" SIMULA ng araw, ikinasal tayo Paolo, madalang kitang nakikita dito sa bahay." Sabi ni Jacky ng makapasok sila sa loob.
" Asawa mo ako, pero bakit mo ako ginaganito, bakit mo ako g*nag*?”
Naiiyak niyang tanong rito, hindi na niya mapigil ang sarili mapaiyak sa harapan ni Paolo. Labis na siyang nasasaktan sa ginagawa nito.
" Diba sabi ko sa 'yo? Magiging imperno ang buhay natin dalawa, kapag ipipilit mo ang gusto mo, pero pinili mo pa rin ikasal sa'kin. Ngayon, mag-rereklamo ka, kung paano kita tratuhin, diba ito ang gusto mo? Ang magkasakitan tayo?” galit nitong sabi.
Napahikbi siya sa mga sinasabi nito." Minahal lang naman kita Paolo, mali ba 'yun? Kasalanan ko bang minahal kita? Para ganito na lang kadali sa'yo ang saktan ako?” Halos pumiyok na ang kanyang boses.
" Maling mali Jacky, dahil alam mong may mahal na ako, pero ano ang ginagawa mo? Kinunsaba mo si mommy para ipagpatuloy 'yang kalukohan mo. Bakit hindi ka nalang nakuntento sa kung ano ang meron tayo noon?” Galit pa rin nitong sabi.
“ Dahil nangangako tayo noon!" Pa sigaw niyang sabi rito.
" Nangako tayo sa isat-isa na tayo lang!" singhal niya rito.
" Pero bakit bigla kang nagbago?" tanong niya rito nag-uunahan pa rin sa pagpatak ang kanyang mga luha.
" Huwag mong ipilit ang sarili mo sa'kin." mariin nitong sabi.
" Ano ba ang meron siya na wala ako?” naisigaw niyang sa subrang sakit na kanyang naramdaman.
" Ano ang nangyayari dito? " Bungad ng ginang sa kanila ng makapasok ito sa loob ng bahay.
Pinahid niya ang kanyang mga luha, nilingon ang b'yanan. " Nahuli ko 'yang anak mo at ang kabit niya. Kaya hindi na 'yan umuuwi dito dahil dun na 'yan tumoluy sa bahay ng kabit niya." Muling bumangon ang galit sa dibdib ng bangitin ang babaeng naging dahilan sa pag-aaway nila ngayon ni Paolo.
" Bakit mo 'yan ginagawa Paolo?" Baling nito sa anak. " Akala ko ba, kasama mo ang mga kaibigan mo sa outing, pero iba pala ang kasama mo, ang babae mo." pinandilatan ito ng mata ng ginang.
" Bakit ma? diba kayo lang naman ang may gusto, magpakasal kami? Dalawang araw na lang magpapakasal na kami ni Leni, pero ano ang ginawa n'yo? Nagpapangap kayong may sakit para lang masira ang kaligayan ko, at sundin ang gusto n'yo, ngayon magrereklamo kayo?”
Mag asawang sampal ang pinadapo ng ginang sa mukha ni Paolo, siya man ay natigilan sa ginagawa ng b'yanan.
" Ina mo parin ako kahit papaano. Wag mo akong sumbat-sumbatan na para bang ibang tao ako sayo!" singhal ng ginang sa anak.
" Nakakahiya ka, kakasal mo palang kay Jacky? kumakabit kana!”pasigaw nitong sabi.
" Kayo din naman ang may kasalanan, kung hindi niyo ako pinilit na pakasalan ang babaeng 'yan hindi tayo magkakaganito. Hindi magkakandeleche-leche ang buhay natin."mariin nitong sabi sa ina.
Pakiramdam niya ng mga sandaling iyon pinagkukurot ang puso niya sa mga pinagsasabi ni Paolo, nasasaktan siya sa turan nito sa kanya.
" At ano? 'yong hampas lupa na babae ang gusto mong pakasalan ha?" galit na sabi ng b'yanan.
Himbis na sagutin nito ang sinabi ng ina ay tinalikuran sila nito. Mabibilis ang mga hakbang nitong paakyat sa hagdanan.
Nakaramdam siya ng panggigil sa ginawa nitong pagtalikod sa kanila.
kaya sinundan niya ito naglakad papunta sa kwarto nito.
Mabilis niya hinablot ito sa balikat" Kinakausap kapa namin, wag mo kaming tatalikuran!"galit niyang sabi rito.
" Tigilan mo ako Jacky!" sigaw nitong inaambaan siya ng sampal.
" Sige, saktan mo ako, ituloy mo!" nanlilisik ang kanyang mga mata naka tingin sa palad nitong nakabitin sa ere.
Nakaramdam siya ng takot pero hindi niya ipinakita rito. Lalo siyang nakaramdam ng matinding galit para sa babae nito. Dahil dito naka handa itong saktan siya, hindi lang emotional, pati na rin physical.
" Tigilan mo ako diyan sa pagiging spoiled brat, mo baka masaktan kita.” sabi nito sinabayan ng pagtalikod at pumasok sa kwarto.
Mabilis niya naitulak ang pinto, pabukas ng tangkain nitong isara.
" Bakit mo ito ginagawa? Bakit kailangan mo akong pahirapan ng ganito?” hinayaan na niya ang mga luha nag-uunahan sa paglandas sa kanyang pisngi.
“ Wala bang natitirang pagmamahal d'yan sa puso mo? Bakit hindi mo ako bigyan ng pagkakataon magampanan ang pagiging asawa ko sa'yo?" Halos luluhod na siya rito para lang kaawan siya.
" Hindi kita pinapahirapan Jacky, ikaw ang nagpapahirap sasarili mo. Kung hindi mo lang pinagpilitan ang sarili mo sa'kin hindi ka masasaktan ng ganito." sabi nito muling isara ang pinto, pero nahinto ito at matamang nakatingin sa kanya.
Pakiramdam niya, kakainin siya nito ng buo.
" Kahit kailan Jacky, hindi kita mamahalin. Oo, minahal kita noon pero hanggang kababata lamang 'yun. Pero hindi kita mamahalin bilang asawa ko” Pagdidiinan nito.
Tuluyan na siyang napahagolhol, umalis sa kwarto nito at tinungo ang kanyang silid.
Pabalibag niyang sinara ang pintuan ng kanyang kwarto. " Ano ba ang meron sa Leni na 'yan, para ipagpalit mo ako sa kanya?” Napa sandal siya sa headboard ng kanyang kama.
" Ano ba ang dapat kung gawin para mabigyan mo ako ng pagkakataon maipakita sa'yo ang pagiging asawa ko ?" Napatingala siya sa bubong tila ba doon siya kumukuha ng lakas.
“ Susuko kana ba Jacky?"Naitanong niya sa kanyang sarili.
" Hindi! Hindi ako susuko. Hindi ako papayag na ang babaeng 'yun ang tatalo sa akin. Magkamatayan na kung magkamatayan." Sa kaloob looban niya napunong puno ng galit.
Sa kabila ng pagwawala ng kanyang isipan hindi niya pa rin maiwasan maitanong sa sarili kung ano ba ang mali sa kanya at inaayawan siya ng mga taong minamahal niya. Napahagolhol na lamang siya hanggang sa makatulugan na niya ang pag-iyak.
“MAG half day lang ako ngayon” sabi ni Leni kay Paolo ng mag-usap sila nito sa cellphone.
Hindi ito umuwi sa kanila ka gabi para iwasan nito si Jacky, magpunta sa kanila, at nauunawaan naman niya 'yun.
“ Bakit? Ayos ka lang ba?”May himig na pag-alala sa boses nito.
“Medjo sumakit ang ulo ko."
“ Gusto mo, uwi nalang din ako?” Anito sa kabilang linya.
“ Tapusin mo nalang muna ang trabaho mo r'yan, wag mo akong alalahanin itulog ko lang to mawawala din ito."
Pagka sabi niyang 'yun ay agad na rin siyang nagpalaam rito. Gusto na niya talagang maka-uwi ng bahay, para makapag-pahinga na sumasakit na talaga ang ulo niya.
Tahimik ang kanilang bahay ng makarating siya sa kanila. Wala roon si Gab, nagtuloy siya sa kanyang kuwarto para makahiga na.
Hindi pa siya tuluyan nakatulog ng makarinig siya ng magka-sunod sunod na katok mula sa labas ng bahay.
” Umuwi si Paolo? Paano ito nakapasok sa gate gayong wala itong susi” saka pa niya na-alala sa pagmamadali niya nakalimutan niya iyun, e lock. Bumangon siya at tinung ang pintuan.
" Sandali lang." aniya, ng hindi matigil ang mga katok.
Kinalas niya ang lock ng pintuan at binuksan niya 'yun.
Mag-asawang sampal ang sumalubong sa kanya ng tuluyan mabuksan ang pintuan.