Magkapatid. Episode 24

1203 Words
KANINA pa nakabalik si Gab mula ng maihatid niya si Stella. Hindi niya maiwasan makaramdam ng lungkot ng mapag-isa siya naka upo sa sala. Hindi mawaksi sa isipan niya ang inasta ni Leni kanina. Buong buhay niya, naibuhos niya sa kapatid ang oras niya sa pag-subaybay kay Leni. Mula sa pagkabata nito hanggang sa pag-dadalaga. Dito nakatoun ang lahat ng kanyang attention. Masama naba siya kapag sarili, naman niya ang papaligayahin? Twenty eight na siya pero ngayon palang siya nagkaroon ng oras para sa sarili niya. Hindi naman siguro masama kung magpapakasal na siya. Nagampanan na niya ang tungkulin niya kay Leni, bilang kuya nito at may sarili na din itong pamilya. Sa kanyang pag-iisa tuluyan nilamon ng lungkot ang puso niya ng biglang ma-alala ang bunsong si Camile. Seventeen years na ang lumipas mula ng nawala sa kanila ang bunso, pero parang presko pa rin sa kanyang ala-ala ang ginawa niyang pang-iwan rito. Sunod sunod ang kanyang pagbuntong hininga ng balikan ng tanaw ang mga nangyari noon. Napatayo siya at nilapitan ang saradong kuwarto ni Leni. " Leni, mag-usap tayo." Sinabayan niya ng pagkatok. Maya-maya pa binuksan nito ang pinto" Bakit kuya? Ano ang pag-uusapan natin? Ang kasal niyo ni Stella, bakit?Pagsasabihin ko 'wag mo siyang pakasalan susundin mo ba ako?" Sunod sunod nitong tanong sa kanya. " Leni, sana naman maintindihan mo ako, Alam kung galit ka kay Stella. Pero nag-sisi na 'yong tao, sana naman mapatawad mo na." " Gaano muna ba siya kakilala kuya para maniwala ka sa kanya?" Naglakad ito papunta sa sala. Sumunod siya rito," Leni alam mo, buong buhay ko naka focus ako sa 'yo. Hindi ako nagkaroon ng girlfriend dahil nilaan ko ang oras ko sayo, para ma protektahan kita” umupo siya sa tabi nito. “ Sana naman ngayon, ako naman ang pagbigyan mo. Supportahan mo naman ako sa kaligayahan ko." nagsumamo ang kanyang mga mata naka-tingin rito. Napa buntong hininga ito, " Kuya nag-alala lang ako sa'yo, baka ginamit ka lang ni Stella, para maka ganti sa'tin si Jacky, alam mo naman magpinsan sila." " Hayaan mo, kapag-nalaman kung niluluko ako ni Stella hihiwalay ako agad. Ako mismo ang kakalas.” seryuso sabi niya sa kapatid. " Kuya, hindi ganyan kadali, ayaw kung masaktan ka, ayaw kung pagdaanan mo ang sakit na pinag-daanan ko noon." giit pa rin nito. " Alam ko, naintindihan ko kung bakit ka totol dahil ayaw mong masaktan ako, pero lahat naman yata tayo, dadaanan talaga 'yan. Nasasaktan tayo dahil nagmahal lang naman tayo. Tulad mo, dumaan ka muna sasakit bago mo nakamtan ang kaligyahan mo. Kasama na sa buhay natin ang sakit." paunawa niya rito. Muli itong napa buntong hininga hinawakan niya ang mga kamay nito." And'yan ka naman diba? aagapay sa'kin kapag nasaktan ako." malambing niyang sabi rito. Nagliwanag ang mukha nito tila ba nuunawaan na siya." Kung saan ka masaya kuya, susuportahan kita.” Nayakap niya ito sa tuwa, sa wakas nakuha niya rin ang suporta nito. " HIJA, bilisan mo andito na si Paolo." bungad ng b'yanan ng tawagan siya nito. " Pauwi na ako mom, na traffic lang ako." naiinis niyang tugon, naiinis siya kung kailan pa siya nagmamadali saka pa siya na stucked ng traffic. " Sabihin mo lang kapag malapit kana para, aalis na kami ni Neneg." tugon nito at agad na pinutol ang linya. Hindi na siya mapakali sa kanyang kina-uupuan." Sana hindi na lang ako umalis ng bahay. Yung bruha manager din kasi, kung bakit ngayon pa nagpatawag ng meeting." anas niya. Nabunutan siya ng tinik ng makalagpas na siya sa traffic. Nagmamadali siyang bumaba ng sasakyan at binuksan ang gate. Hinanap niya ang sasakyan ni Paolo pero hindi niya ito nakita. Subra siyang nanlulumo na hindi na abutan ang asawa. Naisipan niyang puntahan ito sa opisina baka nagreport ito roon. Hindi pa siya tuluyan naka parada sa labas ng opisina ng asawa, natanaw niya si Paolo naglakad papunta sasakyan nito. Palihim niya itong sinundan. Nakita niyang huminto ito sa harap ng flower shop. Napangiti siya ng makitang bumili ito ng bulaklak" Ang sweet naman ng asawa ko. Baka na realized na nitong mahal niya talaga ako." sa kaloob-looban niya. Bitbit nito ang biniling bulaklak at muling bumalik sasakyan nito. Tinawagan niya ang b'yanan para sabihin rito, wag na muna bumalik sa kanilang bahay, para may oras sila ng asawa lalo pa at maypa-bulaklak ito. Hindi maalis sa mga labi niya tinapos ang usapan ng b'yanan. Ang kaninang ngiti ay napalitan ng pagtataka ng makita ang asawa tinahak ang ibang daan. Matiim siyang naka sunod kung saan ito pupunta. Hindi ito ang daan pa-uwi sa bahay nila. Kinakabahan siyang naka-sunod pa rin rito. Maya-maya pa kumaliwa si Paolo at huminto ito sa labas ng medyo kinakalawang na gate, mula sa kanyang kinaupuan ay natanaw niya ang simpleng bungalow na bahay. “ Dito mo tinatago ang babae mo?"bumangon ang galit sa puso niya. Bumaba ang asawa mula sasakyan at binitbit ang bungkos na bulaklak na binili nito kanina, hindi pa ito tuluyan nakalapit sa gate ng bumukas ito at lumabas ang babae mula roon. Alam na niyang hindi siya mahal ni Paolo, pero bakit ba nasasaktan pa siya, makita ito may kasamang iba. Hindi niya mapigil ang sariling mapa-iyak. " Sa'kin ka nagpakasal pero bakit sa iba ka nakipag honeymoon." nag-uunahan sa pagpatak ang kanyang mga luha. Napa lingon sa gawi niya ang babae. Ganun nalang ang pag-nginig ng buo niyang katawan sa galit ng mapagsino ang babae nito. “ kakalbuhin kitang babae ka." galit niyang pinunasan ang kanyang mga luha. Nakita pa niya ang pagyakap ni Leni rito at ang paghalik nito sa labi ni Paolo. " Mga h*y*p kayo." padabog siyang bumaba ng sasakyan at mabibilis na mga hakbang ang kanyang ginawa para sugurin ang dalawa. " Kaya pala hindi kana umuuwi ng bahay, dito ka pala nagpunta sa kabit mo!” Singhal niya sa asawa ng makalapit siya. Sabay-sabay napapalingon ang mga 'to sa kanya. “ Jacky, bakit ka nandito?" nagtatakang tanong ni Paolo sa kanya. Nanlilisik ang kanyang mga mata ibinaling ang tingin kay Leni.“ Malandi kang babae ka!" Akma niyang hablutin ang buhok nito ngunit mabilis nahawakan ni Paolo ang kanyang mga kamay. " Tama na Jacky, tama na!" pa sigaw na saway sa kanya ni Paolo. " Bitawan mo ako, kakalbuhin ko 'yang kabit mo." nagpupumiglas siya mula sa pagkahawak nito. " Kabit ka, kabit!” Pag sisigaw niya. " Jacky, tumigil ka 'wag kang mag scandalo rito” Galit na hinila siya ni Paolo papunta sasakyan niya. “ Ano ba, bitawan mo ako! Kaya ka pala laging wala sa bahay dahil may iba kana palang inuuwian, ang kabit mo!” walang tigil niyang pagdadakdak rito. Pabalibag siyang pinasok ni Paolo sasakyan, at mabilis itong umikot sa pasenger seat. " Hindi kana nahiya ang nag scandalo kapa rito!"singhal ni Paolo sa kanya. " Ako, pa ngayon ang dapat mahiya, sa mantalang ikaw itong nagluko." " Pwedi ba tumahimik ka ha? Baka ibabangga ko itong sasakyan na 'to kapag hindi ka tumigil." galit na sabi nito. " Simula pa lang alam mo nang hindi kita niluluko." anito, sa kanya na may gustong ipahiwatig. Hindi siya naka-imik sa sinabi nito, tumahimik siya sa buong byahi nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD