" LENI sigurado kabang ayaw mong sumama sa amin ni neneng?” Panigurado tanong ng biyanan sa kanya. Na excited ito ng ibinalita nila ni Paolo nagdadalang tao siya, kaya hindi ito mapakali gusto nitong mag shopping. “ Mag isa kalang dito sa bahay." Alalang sabi ng ginang sa kanya. " Mommy salamat, pero wala ako sa mood umalis ng bahay, tinatamad tong si baby." Sabay haplos sa kanyang tiyan. " Sige, hindi kana namin pipilitin ni Neneng. Dalhan ka nalang namin ng paborito mong pagkain." Anang ginang at hinahalikan siya nito sa noo. " Salamat po ma, mag-iingat po kayo sa lakad niyo." Humiga siya sa sofa ng makaalis ang ginang. Hawak ang kanyang cellphone naisipan niyang etext ang asawa. Ipaalam rito hindi siya sumama sa biyanan. Ngunit na unahan na siya ni Paolo, nag flash sa screen

