"PAANO Stella, uwi na kami. Happy birthday uli." Paalam ni Leni sa kasintahan ng kuya Gab niya. " Salamat Leni, dumalo ka sa kaarawan ko." nahihiya nitong sabi sa kanya. " Naku, walang anuman ‘yun." Biglang sumeryuso ang tingin nito sa kanya." Leni, alam ko hindi tayo nakapag usap ng maayos dahil sa mga nangyayari. Sana mapatawad mo ako sa nagawa ko sa'yo noon." Hinawakan niya ito sa balikat. ” Stella, kalimutan mona iyong nangyari noon. May asawa na ako at masaya na ako ngayon.” Hinawakan din nito ang kanyang kamay.“ Maraming salamat talaga.” Masaya nitong sabi. “ Pasensiya narin, Stella ha sa inasta ni Jacky.” Hinging umanhin niya rito sa nagawang eksina kanina. “ Naku! Wag kang mag alala sanay na ako sa ugali nu’n.” natatawa nitong sabi. “ Paano, uuwi na kami. Gabing gabi n

