“ BAGO tayo umuwi ng bahay, may pupuntahan muna tayo." Sabi ng ginang nang nasa loob sila ng sasakyan " Neneng tawagan mo si Pedro papuntahin mo sa palengke para ipagbili ng lechon baboy, gusto kong ipagdiwang ang araw na ito.” Baling nito sa katulong. “ At tawagan mo si Alfon, magpa take out tayo ng pagkain.” Tukoy nito ang manager ng kanilang suking sikat na kainan. " Ang dami naman handa." Gusto niyang sabihin pero nahihiya siya. Parang na hulaan naman nito ang nasa isip niya. “ Gusto kung ipagdiwang ang pagbalik mo sa bahay natin. Hindi tayo nakapag bonding noon kaya, hayaan mo akong makabawi sa mga kasalanan ko sayo." madamdamin nitong sabi sa kanya. Pumapalakpak ang kanyang taenga sa sinasabi nito, sa wakas maayos na sila. Nagtaka man siya kung bakit biglang bumait ang ginang

