NANG GALAITI sa galit si Jacky, ng masampal siya ni Gab. " Kahit kailan si Leni, pa rin talaga ang mas mabigat sa puso mo.” Sa kaloob looban niya habang lulan siya ng taxi pauwi sa bahay nina Paolo. Pakiramdam niya’y pinagtutulungan siya ng dalawa. “ Hinding hindi ko kayo mapapatawad." Nadatnan niya si Paolo nakaupo sa may harden. Hawak-hawak nito ang baso may lamang alak. " Gusto mo bang samahan kita sa pag-inom?" Tanong niya ng makalapit. " Wag na Jacky, papasok na din ako sa loob aasikasuhin ko pa si Mommy, umalis si neneng may pinuntahan. Si Walyn naman umalis magpapadala daw ng pera sa probensiya nila” tukoy nito sa isa pa nilang katulong. Tumayo si Paolo at naglakad papasok ng bahay hindi na hinintay ang sagot niya. Sumunod siya rito " Ako nalang mag-asikaso kay mommy, ma

