NAPA BALIKWAS ng bangon si Paolo, nang makita si Jacky sa kanyang tabi. Natutup niya ang kanyang noo, pareho silang hubot hubad. Ka agad niyang dinampot ang nagkalat na damit sa sahig. " Ano ang nangyari? " Maang maangan na tanong ni Jacky ng magising. Bahagya nitong tinakpan ng kumot ang hubad na katawan. Matalim na tingin ang pinukol niya rito." Maling mali ito Jacky." pagkasabi niyang iyon, iniwanan niya ito. Halos papaliparin niya ang minamanihong sasakyan pauwi sa kanila. Sigurado siyang alalang-alala na si Leni sa kanya, hindi siya nakauwi kagabi. " Ang ate Leni mo?" tanong niya sa katulong ng pagbuksan siya ng gate. “ Nasa loob po sir, nag alala po ako sa kanya, umiiyak po siyang umuwi rito.” sumbong ni Neneng sa kanya. Napakunot siya sa sinabi nito, pero hindi na niya

