" ANG SWERTE talaga ni Ate sa iyo, gusto ko sanang maingit pero, magpaubaya nalang ako para kay ate.” Nakangiti niyang sabi kay Paolo nang nasa loob na sila ng sasakyan papunta sa club. Saglit siyang sinulyapan ni Paolo. ” Alam mo Jacky, masaya talaga ako naging okay na kayo ng asawa ko. Simula ng maging okay kayo, naging masiyahin na si Leni. I mean masaya naman siya pero iba talaga ang saya ng magkabati na kayo. ” " Masaya din ako, sa wakas okay na kami wala nang samaan ng loob." " Kaya nga, nagpapasalamat talaga ako, salamat tinanggap mo na siya bilang ate mo." " Ano kaba, ayos lang iyon. Andito na pala tayo." Pag-iba niya sa paksa nila ng matanaw ang club na sinasabi ni Santi. Bumaba siya ng maiparada ni Paolo ang sasakyan. Naglakad siya palapit sa driver seat. " Pasok ka muna

