MAG damag silang nag ku-kwentuhan na para bang walang katapusan. " Mag alas 3 na pala ng umaga matulog na tayo." Humihikab na sabi ni Gab sa mga kasama. " Kuya sa sala nalang tayo matulog para tabi tayo lahat. " Suhestiyon ni Camile. " Gusto ko ‘yan, gusto ko kayong katabi matulog na miss ko kayong katabi." Sanga-ayon ni Leni sa kanila. Naglatag sila ng malaking kumot sa sala. Humiga si Stella katabi ni Leni kasunod si Camile. “ Magka hiwalay tayong matulog?" Konot -noo tanong ni Paolo sa asawa. " Matulog kana sa likod ko Pao." Si Gab ang sumagot kay Paolo. Napakamot ng ulo si Paolo at napilitang humiga sa likuran ni Gab. Napa gitnaan ni Leni at Gab si Camile." It just like when we were a child." Bulalas ni Camile sa kanila. " Except nalang sa butas butas natin bubung at sa

