NAGULAT si Gab ng maabutab ang isang silver na bagong bago na sasakyan ang naka parada sa labas ng kanilang bahay. Magka sunod na lumabas ang dalawang kapatid. “ Surprise kuya!” magka sabay na sigaw ni Leni at Camile. Hindi siya maka paniwala mayron siyang bagong sasakyan. Matagal na niyang pangarap ang magkaroon ng bago, pero hinintay niyang matapos ang kanilang kasal ni Stella dahil malaki ang gagastusin niya. “ Hindi mo ba nagustuhan?” Tanong ni Leni ng matahimik siya. “ S-sigurado kayong akin to?” Hindi pa rin maka paniwala. “ Utang mo ‘yan kuya, babayaran mo ‘yan sa amin ni ate buwan buwan.” Mabilis na tugon ni Camile. Natatawa siya rito. “ Okay, pa rin ako.” Naka ngiti niyang tugon. “ Diba, sabi mo noon kuya kapag may sasakyan ka, isasakay mo kami tapos ililibot mo kami?” Pa

