Ch 12 - Mixed Signals

2085 Words

    Pareho kaming napatulala ni Nathan sa mga larawan na inilapag ni Arcell. Nakahilera ang mga ito sa lamesa at pawang mga kuha mula sa labas ng convenience store ang mga ito. Malinaw sa mga kuhang iyon ang mukha ko kaya't may bahagyang pagngingitngit ang aking kalooban.     "Now, would you guys care to explain what happened?" Seryosong tanong ni Arcell habang nakatupi ang magkabilang braso at minamata kami.     Sabay kami na napatingin sa direksyon ng sofa kung saan payapang natutulog si Sebby, matapos noon ay kami naman ang nagpalitan ng tingin. Tila parehong naninimbang kung sino sa amin ang mauunang magsalita kaya't narinig ko ang buntong-hininga ni Melanie.     "Akala ko ba tinapos ninyo na 'to? Bakit lumaki pa nang ganito, Black?" May himig ng dismaya ng tono ng boses ni Melanie

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD