"Mauuna na 'ko." Saad ni Nathan habang binubuhat ang natutulog na si Sebby mula sa sofa. Luminga siya sa direksyon ng upuan kung saan nakapatong ang baby bag at mabilis ko naman iyon na ini-abot sa kanya. "Tinawagan ko na si Helena. She's on her way here. I'll call when I discussed the plan with my team." Napaka-kaswal ng pagkakasabi niya na tatawagan niya ako. Like I'm someone whom he can call anytime, like I'm his friend. Muntik ko na makalimutan na matindi ang pagtutol ko sa sinasabi niyang plano. "Sigurado ka bang aalis ka na?" Nagaalalang tanong ko. Sa aking palagay kasi ay marami pang reporters sa labas ng agency. Isang pilyong ngiti ang sumilay sa kaniyang labi nang marinig ang sinabi ko. "Bakit? Will you miss me?" Pangaasar niya. "H-Ha?" Tanging naging

