"Uh, andito rin naman kami. Hello?" Pukaw ni Simon sa pagyakap ko kay Nathan, kasama rin nila si Tristan na tila nagulat rin sa aking itinuran. Doon lamang ako nabigla sa ginawa ko at mabilis nabumitaw mula sa kanya. "S-Sorry." Nahihiyang saad ko habang bahagyang dumidistansya. Nakaramdam ako ng matinding pagkailang sapagkat hindi ko rin inasahan ang naging reaksyon ng aking katawan at isipan nang makita ko siya. It was like my sanity was saved. "Let's go. Kailangan na nating magmadali bago pa nila mapansin sa baba ang sasakyan." Mariin na paalala ni Tristan, alertong siyang lumilinga-linga sa paligid. Hindi na kami nagsalita o nagdiskusyon pa at tumalima na lamang sa suhestiyon na iyon. Maingat kaming naglalakad sa pasilyo ng mga condo unit, lihim kong ipinagdadasal na

