Palubog na ang araw nang marating namin ang Baler. Halos malaglag ang panga ko nang makita ang kabigha-bighaning tanawin sa tabing-dagat. Nag-aagaw na ang kulay ng kahel at kadiliman sa langit bunga ng nakaambang pagkagat ng gabi. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling namangha sa ganitong tanawin. “Let’s go?” ani Nathan matapos akong pagbuksan ng pintuan. Hindi ko namalayan na nakababa na pala siya ng sasakyan. “Dito ka lumaki?” tanong ko matapos humakbang palabas. Nanatili akong nakatingin sa papalubog na araw. Carefully digesting every bit of its fading beauty. Hinagit niya ang kamay ko at kinuyom ito. Dahil dito’y nabaling ang atensyon ko pabalik sa kanya. Maagap na sinalubong niya ang tingin ko ng isang matamis na ngiti. Walang sagot na namutawi sa bibig niya

