“Why are you doing this?” Bumitaw si Nathan mula sa pagkakahawak sa kamay ko nang marating namin ang tent kung saan ako nagbihis kanina. Bago ako tuluyang sumagot ay pinukulan ko ng tingin sina Dean at ang iba pang staff na nasa loob. Maagap naman silang nagsilabasan nang mapagtanto ang nais kong iparating. Nang masigurado ko na kami na lamang ang natira ay doon ako muling bumaling sa direksyon niya. “I should be the one asking that. Why are you doing this? Bakit ba galit na galit ka?” Balik tanong ko sa kanya at tiniklop ang magkabila kong braso. I know the answer, I just need to hear it directly from him. “Huwag mong ibalik sa’kin ang tanong, Leontine. You know what I’m talking about.” Ginulo niya ang kanyang buhok at yumuko. Tila sinusubukang pakalmahin ang kanyang

