"Coffee or juice?" Tanong ni Nathan habang tahimik akong nagmamasid sa loob ng apartment niya. Yes, I'm here at his residence. Almost five in the morning, sitting at a dining table and all alone with the man I just kissed. Ang nakakatawa pa'y hindi ako nagdalawang-isip na sumama sa kanya. Kahit ano pang bigat ng pakiramdam ko kanina, parang napalitan lahat iyon ng pagtataka. Why did he do that? What does his words mean? Ayoko mang aminin ngunit ito ang tunay na dahilan kung bakit ako nandito ngayon. Gusto kong makarinig ng malinaw na sagot sapagkat katulad niya, hindi rin ako makakatulog kakaisip tungkol sa mga nangyari. "Okay lang kahit ano." Tipid na sagot ko. "Sige, mag-kape tayo." Lihim akong napasinghap nang gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. Bakit ba roon ako nakatingin? "We

