“Leontine.” Dahan-dahan akong umangat ng tingin nang marinig ko ang mahinang pagtawag ni Nathan. Nakatayo siya sa bungad ng pintuan habang nakasapo ang isang kamay sa kanyang noo. Nang akma siya hahakbang palapit ay mabilis akong tumayo. Umatras ako at marahas na iwinasiwas ang mga papel sa aking harapan. “Huwag mo kong lalapitan,” matigas kong babala. Maya-maya’y nadama ko na ang pagbagsak ng luha sa aking magkabilang pisngi. Tila may kung anong nakatarak sa aking dibdib na nagdudulot upang habulin ko ang aking paghinga. “Please let me explain first, Leontine.” pagsusumamo niya at sinubukang abutin ang aking braso. “I know what you’re thinking. It’s nothing like that.” Tinampal ko ang kamay niya palayo at umiling-iling. Kasabay ng mga luha ko’y siya ring pag-ahon

