“I’ll drive,” wika ni Nicollo matapos namin makabalik sa beach house at maghanda upang umalis pabalik ng Maynila. Lumingon siya sa direksyon ni Nana Iska na halatang-halata ang pagaalala sa mukha. “Don’t worry, Nana. Tatawag kami as soon as makarating kami at may balita na sa kondisyon ni Mama.” “Sige, basta’t mag-ingat kayo sa biyahe mga anak. Ipagdadasal ko ang Mama niyo.” Basag na ang tinig at halos nangingilid na ang luha ng matanda. “It’s going to be alright,” inakap ni Nathan si Nana Iska at tinapik-tapik ang likod nito. “Huwag po kayo masyadong mag-alala, Nana. Hindi makakabuti sa lagay ninyo.” Nagbuntong-hininga ito at tumango bilang tugon sa bilin ni Nathan. Bumaling ang matandang katiwala sa’kin saka hinaplos ang balikat ko. “Ikaw rin, hija. Ikaw na ang baha

