Matapos ang araw na iyon, nanatiling abala si Nathan at ang kanyang pamilya sa pag-aasikaso sa kanilang may sakit na ina. Ilang araw na rin kaming hindi nakikita sapagkat naging abala ako sa mga napabayaan kong trabaho nitong mga nakaraang araw. “Black,” tawag ni Felicia sa’kin nang lumabas ako sa recording booth matapos ang programa ko. “May nagpapabigay sa’yo.” Isang malaking bouquet ng dilaw na tulips ang inaabot niya sa aking harapan. Kalakip nito ang isang mensahe na nakikilala ko ang sulat kamay. Gumuhit ang matamis na ngiti sa aking mga labi nang mabasa ang nilalaman nito. “I miss you, Leontine.” Hindi ko na kailangang hulaan pa, it’s not like anyone other than him would dare to call me by my real name. Luminga ako sa pintuan palabas at bumalik ng tingin

