“Masaya naman kami eh, but ever since Nathan met that DJ Black, nanlamig na siya sa’kin.” Halos maibuga ko ang iniinom kong kape nang marinig ang sinabi ni Dessa habang iniinterview ng isang showbiz reporter. Mas lalong nagpintig ang mga tenga ko nang pakunwaring umiiyak-iyak pa siya sa harap ng kamera. It looked so fake that I just wanted to vomit everything that I just ate. “What a nutcase,” umiiling-iling na bulalas ko at ibinaba ang hawak kong tasa sa lamesa. Akma kong aabutin ang remote upang patayin ang telebisyon ngunit hinagit ito ni Melanie palayo sa akin. “Mela, wag na natin sayangin ang oras natin. Let Nathan’s team take care of that.” “Mas maganda na rin na alam natin ang mga nangyayari.” Nagbuntong-hininga siya at ibinagsak ang kanyang mga balikat. “Image mo pa rin ang p

