“Anong ginagawa mo rito?” It wasn’t a friendly tone. Hindi siya sumigaw ngunit ramdam ko ang disgusto sa tono ng pananalita niya. Luminga-linga siya sa paligid upang tignan kung may mga matang nakatingin sa amin. “Dean, gusto lang kitang makausap.” Mahinahong saad ko at hIndi na nagpaligoy-ligoy pa. “I heard everything from Melanie. Alam ko na ang totoo.” “Wala akong sasabihin sa’yo kaya umalis ka na. Huwag kang manggulo rito.” Mas mahina, ngunit mas mariin niyang wika. Sinalubong niya ang mga mata ko ng may isang mapangutyang tingin. “Bakit? Galit ka ba dahil nadungisan ko ang career mo?” “Dean - “ “Kulang pa ‘yan sa ginawa niyo sa pamilya namin.” Humakbang siya sa aking harapan at ikiniling ang kanyang bibig malapit sa tenga ko. “Huwag kang magalala, marami pang mangyayari. At si

