Chapter 37: Sulking
PAGKABUKAS ko ng pintuan ay agad akong pumasok sa loob at nagulat pa ako nang tumambad agad sa akin ang guwapong mukha ng fiancé ko. He wore his white t-shirt and black pants.
“Hi, baby. Good evening,” I greeted him, sweetly.
“Bakit ngayon ka lang umuwi? Ano’ng oras na, Novy Marie?” malamig na tanong niya sa akin. Walang emosyon ang mukha niya at parang galit siya. Naka-cross ang magkabilang braso niya. Kinilabutan pa ako, kasing lamig ng yelo ang boses niya.
“Uhm, 7, baby?” mahinang sagot ko at sinipat ko pa ang wristwatch ko. Ilang minutes na rin ang nakalipas nang mag-7PM.
“Exactly, 7. Ano’ng oras dapat umuuwi ang mga empleyado?” sunod niyang tanong. Patagilid akong naglakad kasi lumalapit siya sa akin. Ako ang kinakabahan, parang nasa hotseat ako at tinatanong ng kung ano-ano.
“Ah... Ewan ko, hindi naman ako empleyado. Ako ang owner so—”
“So, ayos lang sa ’yo kahit 12 midnight na ay puwede kang umuwi?” matigas ang boses na tanong niya at naglakad na ako nang paatras. Bakit ba kasi ang dark ng aura niya? What’s wrong with him ba?
“Kasi... anytime naman iyon. Bakit ba? May problema?” Muntik na akong ma-out balance nang may nabangga ako bigla at mabilis niyang hinila ang siko ko saka niya ako niyakap.
“Anytime? Hindi mo ba ako iniisip na puwede akong mag-alala sa ’yo kapag ngayon ka lang uuwi? Take note, Miss. Hindi mo pa sinasagot ang mga tawag ko at hindi ko alam kung saan kita puwedeng puntahan,” mariin na saad niya at tinitigan ang mga mata ko.
“I’m sorry... Busy lang ako,” na-g-guilty na sambit ko.
“Baby...”
“I’m sorry, Michael. Hindi lang nakayanan ng schedule ko kanina, eh. Sorry...” paghingi ko nang paumanhin. Mariin pa siyang napapikit. Akala ko ay magagalit pa siya sa akin pero masuyong hinalikan niya lang ang noo ko.
“I love you,” mahinahon na saad niya at napakahina pa no’n na parang ako lang ang sinadya niyang makarinig.
“I love you too, baby.” He cupped my cheeks and kissed me on the lips. I kissed him back at nang mas lumalalim iyon ay binuhat niya ako. Naglakad siya patungo sa sofa at doon siya umupo habang nasa lap na niya ako.
Pinakawalan niya rin ang mga labi ko nang pareho na kaming naghahabol ng sarili naming hininga. Hinaplos ko ang panga niya at ngumiti sa kanya. Seryoso na naman ang mukha niya ngunit makikita mo sa mga mata niya ang puno ng pagmamahal at admiration.
Sumandal siya sa headrest at pinagdikit ko ang aming noo. Hinahalik-halikan pa niya ako sa mga labi ko at marahan na humahaplos ang dalawang kamay niya sa baywang ko.
“How’s your day?” he asked.
“Stress,” simpleng sambit ko at mahinang humalakhak siya.
“Need help?” Umiling ako kahit malaki ang problemang kinakaharap ko ngayon, isang mabigat na responsibilidad. Masyado ng maraming nagawa si Michael para sa akin at ayokong maabala ko siya nang husto. May sarili rin siyang pinagkakaabalahan at kailangan na ako lang ang makalulutas ng problema ko.
Isa pa, beginner din ako. Ikukuwento ko na lamang ang tungkol doon kapag naging successful na talaga ako. Na kaya na niya akong ipagmalaki sa mga best friends niya, sa pamilya niya at sa ibang tao. Na hindi ko kailangan ng gabay niya at nagawa ko iyon sa sariling pagsisikap ko. Of course, isa siya sa mga inspirasyon ko.
“Thank you but enough ka na for me. Dito ka lang sa tabi ko at nawawala ang stress ko kapag nakikita kita,” ani ko at tinitigan ko ang buong mukha niya. Napaka-perfect ng hugis nito na parang sinadya siyang ihulma. “I love you.” After saying those words ay ako ang unang humalik sa lips niya. Hinalikan niya rin ako, mapusok at marubdob.
“I love you too, baby...” he whispered to my lips.
“Kumain ka na? Gusto mong ipagluto kita?” Tumaas ang sulok ng mga labi niya sa tanong ko at naaaliw na tinitigan niya ako.
“Hmm, walang future sa kusina ang babaeng mahal ko, Miss.” Mahinang natawa ako sa tinuran niya and kinilig at the same time.
“Try me...” Tinampal ko ang kamay niya nang pinaglalaruan niya ang butones ng longsleeve ko.
“Okay. Let’s go.” Umalis ako mula sa lap niya at hinila ko siya patungo sa kusina.
“Sit, Engineer,” ani ko at itinuro ko ang highchair.
“Baby, hindi naman ako aso,” reklamo niya.
“Where’s Percy, by the way?” I asked him.
“Sleeping,” matipid niyang sagot na tinanguan ko na lamang.
I don’t know how to cook but may nakita akong noodles at iyon ang kinuha ko. Narinig ko ang pagtawa niya nang makita niya iyon. Hindi ko siya pinansin at basta ko na lamang nilagyan iyon ng hot water.
Kumuha na rin ako ng chopsticks. My gaze shifted to him. “You know how to use this, Engineer?”
“Yes, Miss,” nakangiting sagot niya. Kumuha rin ako ng two eggs at saka ako lumapit sa kanya.
“I don’t know how to... Uhm...” Nakagat niya ang pang-ibabang labi niya at pinipigilan niya lang ang ngumiti. “Ano na?”
Kinuha niya iyon mula sa aking kamay at expert na binasag iyon. Maingat niyang inilagay sa cup noodles. Tumayo siya pagkatapos, pinunasan ang mga kamay niya at kumuha ng isang malaking mineral water and disposable cups. Inilapag niya sa island counter.
Umupo na rin ako at tumabi siya sa akin. “Hindi rin ako nagluto and I planned to invite you for dinner sa labas sana.”
Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang text message niya. May missed calls na naman siya. Naka-silent mode kasi kaya hindi ko na napansin na tumatawag siya.
“Sorry, ang dami kasi naming client kanina at kailangan kong mag-focus para sa mga design. Sila mismo ang pipili kaya dapat marami akong designs para hindi na ako mahirapan pa,” paliwanag ko. Hinalikan niya ang sentido ko.
“It’s okay, next time na lang. Sigurado ka ba na noodles na lang ang kakainin natin? Ayaw mo bang ipagluto kita, Novy?” Umiling ako at sumandal sa balikat niya. Niyakap naman niya ako at ilang beses hinalikan ang noo ko.
“Mas gusto kong kumain ng noodles with egg,” sambit ko.
“Okay. Wala na kayong practice?”
“Focus muna ako sa company ko,” I answered.
“Titignan ko ang designs mo mamaya. Sigurado ako na wala silang tatanggihan,” pagbibigay lakas loob na naman niya.
“Thank you. Gutom na ako, Michael! Kumain na tayo?” He checked the noodles if luto na rin ba. Ngumiti pa siya at inilapit sa akin ang isa.
“Dahan-dahan lang, mainit pa,” paalala niya kasi humigop ako ng soup nito. Naglagay agad siya ng tubig sa tabi ng cup noodles ko. Hinagod pa niya ang likuran ko saka siya kumain.
“Magpapagupit ako bukas,” kuwento ko.
“Magpapagupit ng buhok?” tanong niya at tiningnan pa ang hair ko. I nodded. “Hindi ba masyadong maikli na ’yan para magpagupit ka, Miss?”
“Tumatama kasi ang dulo ng buhok ko sa batok ko. Makati, eh,” ani ko.
“Gusto mo ng haircut naming mga lalaki? Miss, huwag na. Pahabain mo na lang ang buhok mo.” I shook my head.
“Hindi ako sanay sa long hair.”
“Okay, kung ano ang gusto mo. Support kita palagi,” sabi niya na sinabayan pa nang pagngiti.
“Thank you, baby. Sabay tayong maligo at mag-sèx tayo,” I joked at bigla siyang nasamid sa kinakain niya. Inurong ko ang tubig sa kanya at natatawang pinagmamasdan ko lang siya. Pinunasan pa niya ang labi niya gamit ang likod ng palad niya. Kunot-noong binalingan niya ako.
“Baby, bakit parang ginagawa mo lang na laro iyon? I told you na hindi iyon ganoon,” tila nagtatampong saad niya.
“Joke lang iyon. Gusto kitang mayakap buong gabi!” sambit ko. Totoong nagbibiro lang naman ako para pagaanin ang atmosphere sa paligid at makalimutan ko ang ginawa ko kanina.
Nakararamdam kasi ako ng guilt at iyon ang pinakaayaw ko. Mahal ko si Michael at importante siya sa buhay ko. He’s my other half after all. Mabilis man ang pangyayaring iyon pero wala. Love agad ang nararamdaman namin.
***
Nakaupo ako sa lap niya habang tinitingnan niya ang mga designs ko. Seryoso lang siya at matagal niyang tinitigan iyon.
“Isang araw mo lang ba ginawa ito, Novy?” Tumango ako sa tanong niya.
“30 clients agad ang tinanggap ni Dad. Ipapakita muna namin kung wala silang reklamo riyan.”
“At kung mayroon man?”
“Gagawa na lamang kami ng bago at susundin ang suggestion nila. Marami rin akong staff na tutulong sa pag-organize ’yan. Hoping na magagandahan sila riyan,” ani ko at hinalikan niya ang balikat ko saka siya ngumiti.
“Goodluck then. I know you can do it. May tiwala ako sa ’yo na kaya mo ang lahat ng ito. No matter what happens, I’m still here to support you. I love you,” he said.
“Thank you, so much baby...”
***
Gusto kong gawin na priority ang fiancé ko kahit gaano pa ako kaabala. Natulog nga kami nang magkayakap at sabay nagising saka kumain ng breakfast.
Sumama siya sa company ko and of course kanya-kanya kaming sasakyan at nang malaman niya kung saan ang working place ko.
“Tara, ipapakilala kita sa kanila.”
“Maybe next time, baka masyado na akong abala sa inyo,” tanggi niya na sinabayan pa nang pag-iling.
“Seryoso ka? Okay lang naman sa amin. Tara na. Pumasok muna tayo sa loob. Mababait sila.” Inilahad ko ang kamay ko at tinanggap naman niya iyon saka niya pinagsiklop ang mga daliri namin. Pagpasok namin ay maraming bumati sa akin. “Good morning, I want you to meet my fiancé. Alam kong isa sa inyo ay kilala na siya, right?” Tumango naman ang iba sa akin. “But formal ko siyang ipapakilala sa inyo. Siya si Engineer Michael S. Brilliantes, tratuhin niyo lang siya nang maayos para safe kayong lahat,” biro ko.
“Good morning po, Engineer.”
“Good morning, Engineer Michael,” bati nilang lahat sa fiancé ko.
“Good morning, just take care of my fiancé at ipaalala niyo palagi sa kanya na huwag magpapalipas ng gutom.” Umugong nang tawanan at tili ang buong paligid. Mahinang siniko ko si Michael.
“Sige na, back to your work na. Mamaya ay may meeting tayo, guys,” ani ko at hinila ko ulit si Michael para dalhin sa office ko.
“Wow... This is nice.”
“Ganda, ’no? Parang nasa penthouse lang tayo,” sambit ko at ngumiti siya.
“No wonder na talented ka nga talaga,” naiiling na wika niya at pinasadahan pa niya nang tingin ang buong lugar.
Napako ang tingin niya sa office table ko at nilapitan iyon para makuha ang litrato namin. Kuha iyon ng engagement party namin at maganda ang picture namin. Nakangiti kasi ako at kasalukuyan niyang isinusuot ang engagement ring ko. Pati siya ay naka-smile rin.
“My inspiration,” I uttered and he nodded.
“I feel so special.”
“Hindi ka lang special sa akin, love na love rin kita,” ani ko at lumapit ako sa kanya para halikan ang buong mukha niya. Natatawang yumakap siya sa baywang ko.
“I love you more, Novy. Sige na, aalis na rin ako.”
“Take care, baby. See you later?”
“Before 6 ay dapat nakauwi ka na,” paalala niya sa akin na tinanguan ko.
“Yes po, Engineer!” bulalas ko.
“Siguraduhin mo iyan, Novy Marie.”
“Oo nga po, eh,” ani ko at ginulo niya ang maikling buhok ko. Hinayaan ko siya pero inayos niya rin iyon at tatlong beses na hinalikan ang noo ko.
Hindi na siya nagpahatid pa sa labas kasi baka raw magdalawang-isip siyang umalis at mag-stay na lang daw sa tabi ko. Ang cute niya at clingy rin siya.
Dirty white longsleeve ang suot ko and my dark pants. Ganoon lang palagi ang outfit ko. Mas gusto ko kasi iyong komportable ako habang nagtatrabaho.
Inayos ko muna ang mga gamit ko sa table at nang may kumatok sa pintuan ng office ko ay agad kong pinapasok.
“Ready na po ang conference meeting, Ma’am at nandoon na rin po ang staff natin. May na-contact na rin po si Sir Bongon para sa mga equipment na kailangan natin.”
“Thanks, Ms. Guerrero.”
“You’re welcome, Ma’am.”