CHAPTER 36

4345 Words
Chapter 36: New client “CONGRATS, Ate! Sabi ko na nga ba ay mananalo kayo!” “Ate Novy, congrats!” “Dapat mag-p-party ka, Ate!” “Tse!” masungit na sambit ko. Kasalukuyang nagpapahinga na kami sa hotel room namin at kausap ko ang mga kapatid ko. Nasa iisang group chat lang kami at nagawa naming mag-video call. Dati ay apat lang kami but ngayon ay kasama na namin si Michael. Inaasikaso na naman ulit ng kasama ko ang luggage namin kasi hindi naman kami magtatagal dito at uuwi rin kami agad. Busy siya sa work niya. Kami lang ang mauuna dahil may ka-meet pa si Coach Avemn. Dahil iyon kay Roxanne. Isang opportunity para sa partner ko, pass muna ako. “Ate, ano ang pangalan ng naging pair mo? Iyong number 1?” Napahinto ako sa pagkain ko ng chips nang magtanong si Primo. Naningkit ang mga mata ko kasi walang kahiya-niyang itinanong iyon sa akin and he seems interested kay Roxanne. Maski si Michael ay napahinto rin at mabilis siyang sumulyap sa akin. “Why?” I asked him. “Hmm, I just want to know her name, Ate. She’s cool.” “Ah, I interested ka rin sa kanya, ’no?” tanong ko na pinagtaasan ko pa siya ng kilay. “Villanueva 01, so what’s her name po, Ate? May f*******: account ba siya or IG?” “Primo, mas matanda iyon kaysa ’yo. Malapit ng mag-30 si Roxanne—” “Right, Roxanne Villanueva pala ang pangalan niya.” “Primo, huwag mong sabihin type mo si Roxanne?” hindi makapaniwalang tanong ko. “Yup, she’s my type, Ate. She’s so cool and pretty.” He’s so transparent talaga. Malakas na natawa tuloy si Cloud at nag-cheer up pa kay Primo. Si Lemery ay hayon, may kinakain na naman siya. “May asawa na yata iyon, Primo,” ani ko at umupo sa tabi ko ang fiancé ko. Cellphone lang ang gamit ko, and about Roxanne, alam kong single pa iyon but marami siyang manliligaw. Akala ko noong una ay taken na siya kasi wala siyang pinapansin na suitor niya. Ewan ko lang if wala siyang tinatago. “Hi, Kuya Michael,” bati ni Lemery sa future brother-in-law niya. “Hello, how are you?” “Well, stress. Student life,” bored na sagot nito and he shrugged. “That’s life,” Michael uttered. “Nope po, Ate. She’s single,” he said at ipinakita niya sa akin ang phone niya. Siguro nahanap niya ang social accounts ni Roxanne. “Primo, tumigil ka, ha,” I warned him. “I texted her po, Ate. Nag-reply naman siya agad.” “Huwag mo akong binibiro kasi hindi siya ang humahawak ng social accounts niya. Sa dami rin ng message ay akala mo mapapansin ka?” pambabasag trip ko sa brother ko. Kasi mukhang seryoso nga siya na type niya si Roxanne. Wala namang mali ang lalaki gap nila. But as if ay papansinin siya ni Roxanne. Busy person din iyon kaya. “Nah, subukan po natin. I’ll call her.” “Primo!” Michael chuckled and caressed my back. “Wala na, Ate. Natamaan na siya sa gurang.” “Isa ka pa, Cloud! Ang bunganga mo,” I warned him and rolled my eyes. May kumatok naman sa door ng hotel room namin. My fiancé stood up and went to the door. “Hi, nakaabala ba ako?” Boses iyon ni Roxanne. “No, Rox. Come in!” sigaw ko at pinapasok naman siya ni Michael. White sleeveless dress lang ang suot at minsan ko lang siyang makita ng ganito. Maganda naman siya at wala pa sa hitsura niya ang mag-30’s. Marahan kong tinapik ang kama sa tabi ko para umupo siya. Napatingin siya sa phone ko at umawang ang mga labi niya. Akala ko ay papatayin na ni Cloud ang connection namin pero hindi. Nag-ayos pa siya ng buhok niya. “Uhm, si... Kapatid mo si Primo?” tanong sa akin ni Roxanne. “Kinukulit ka ba niya, Rox?” “Ah, hindi naman. Sabi niya, punta raw ako here para patunayan sa ’yo kausap niya ako.” I glared at Primo. “Nang-abala ka pang bata ka! Akala ko ay si Cloud lang ang sakit sa ulo. Primo!” Primo just laughed, ang boses niya ay lalaking-lalaki. “Hi, Roxanne. I’m interested to meet you. Are you not in a relationship, right?” “Ah... Yes, uhm... But...” “But? Wala akong pag-asa?” Ako naman ang napangisi. “Bata ka pa—” Primo cut her off. “I-meet mo ako. Tapos patunayan natin kung bata pa ba talaga ako,” seryosong saad niya at ako naman ay mariin na napapikit. Si Michael ay pinili ang sumandal sa hamba ng pintuan at naka-cross ang mga braso niya against his chest. Tumaas pa ang sulok ng mga labi niya na parang nasiyahan din siya sa narinig. “What? Hindi ba iyon nakahihiya sa ate mo? Novy...” Binalingan ko naman siya. “Why? Interesado ka rin na ma-meet ang kapatid ko?” I asked her at tumango siya bago kinagat ang pang-ibabang labi niya. “Hey!” “He said, fan lang siya. So, binibigyan ko lang siya ng chance na ma-meet ako in person,” she reasoned out. “Alam mo, Rox...” “Don’t worry, wala akong gagawin sa kapatid mo. Actually, I’m dating my ex-boyfriend— uhm, where is Primo by the way? Primo?” she asked at nang ibalik ko ang tingin ko sa screen ng cellphone ko ay wala na si Primo. Nasaan naman ang batang iyon? “Nagselos po yata kaya siya nawala!” natatawang sigaw ni Cloud. “Kuya! Nagseselos ka?!” sigaw rin ni Lemery. “Shut up, Cloud! Ikaw rin, Lemery,” mahinahon na saad ko. “Alam mo, Novy. Ang cute ng brother mo,” sabi niya at saka siya tumayo. “Sige lalabas na ako,” paalam pa niya at tumunog ang phone niya. Nakita ko na pangalan ng kapatid ko ang lumitaw. Ang batang iyon talaga, oh. “Sige na. Magpahinga na rin kayo. May flight kami mamayang gabi. Bye.” “Bye, Ate! I love you!” Hinalikan ko lang ang screen at saka ko pinatay ang video call namin. Michael approached me. “Let’s go... Labas muna tayo para kumuha ng litrato sa labas. Sulitin natin ang ilang sandali na mayroon tayo ngayon. After this, hi busy work na naman tayo.” I chuckled. “But gusto ko ay here na lang tayo sa room. Come on, let’s do the naughty stuff. I’m all yours, Michael,” I said and removed my top. Namungay agad ang eyes niya and he licked his lips. And God knows kung ano na ang ginawa namin. In the next morning ay nasa Philippines na kami. *** “Hi, Percy. Good morning,” I greeted our little cat. I kissed her head saka ako bumangon at lumabas ng room namin. Nag-ingay siya sa bisig ko. Siguro hungry na rin siya. Hinanap ko si Michael sa kitchen. May laman na kasi ang ref namin at baka nagluluto na rin siya ngayon ng breakfast namin. But hindi ko siya nakita. Lumapit ako sa ref at ang sticky note lang ang nakita kong nakadikit dito. “Good morning, baby. Sorry if can’t join you with your breakfast. I have to go first. Just enjoy your meal, Miss. I love you, see you later.” -Your Engineer Michael Tumulis ang labi ko kasi hindi ko siya kasama sa breakfast. Pero nagluto pa rin siya at kinikilig pa rin ako sa notes niya. Ang ganda ng penmanship niya. Kahit kailangan na yata siya sa work niya ay pinagluto pa rin niya ako. Maalaga nga talaga ang baby ko, uwu. Kinain ko na lang din ang hinanda niya. Mabuti na lamang ay kasama ko si Percy. After that ay naghanda na rin ako para sa work ko rin. I wore my blue longsleeve with my pants na naka-tuck in pa and a dark blue kitten heels, may two inches lang ang taas nito. Sa halip na handbag ang dalhin ko ay black shoulder bag ang kinuha ko. Puro mga gadget ang laman no’n kasi kailangan ko rin iyon. *** “I am Archendria Guerrero, Ma’am Novy,” pakilala sa akin ng COO ko. Habang wala ako ay siya ang nag-manage ng company ko. Ang isa sa trusted person ni Dad. Babae nga siya at mas bata ng ilang taon kaysa akin. Mukha namang mapagkakatiwalaan siya. Ang gaan lang ng aura niya, hindi siya mukhang maldita. “How old are you, Ms. Guerrero?” I asked her. “25 years old, Ma’am.” I nodded. “So, ngayon nandito na ako. Ano’ng position ang ibinigay sa ’yo ng daddy ko aside from being my representative?” seryosong tanong ko. Maganda siya to be honest at kung titingnan mo rin ay parang conservative rin siya. Base pa lang sa pananamit niya. “To be your secretary and assistant, Ma’am. Actually, kasama po ako sa mga pinili ni Sir Lemery sa choices ni Sir Bongon, and I’ll pass it po sa evaluation.” I nodded. Magaling din naman na pumili si Lemery at tinitingnan niya ang background nito. “So, let’s start working, Ms. Guerrero,” ani ko. Ang ganda ng office ko. Of course ako nag-organize ng things ko here. Ang cute nga and super nice ng ambiance here. Siguradong ganado ako sa pagtatrabaho ko. “Sir Dionisio approved the contract of our new clients. As of now po ay kailangan lang nating i-orientate ang new interior designer natin,” sabi niya at isa-isa niyang inilapag ang folder sa desk ko. “I need to review this? Na-approve naman na?” “No need, Ma’am. Ngunit para maging pamilyar po kayo sa mga client natin ay ang personal background na lamang po ang basahin niyo and I will handle the rest na rin po,” she said and I nodded again. She’s efficient. I like it. Madaling kausap si Archendria, mabait na bata kasi siya at masipag din talaga. It was lunch time nang pumasok sa office ko ang secretary ko. “Ma’am, may problema po tayo,” she said at kinabahan naman ako. “What is it?” “They rejected our interior designer. They like your works. They don’t like beginners. Gusto po nila ang nasa portfolio niyo at ma-organize nang maayos ang building nila.” Nagsalubong ang kilay ko sa narinig kong pahayag niya. Ano’ng ayaw nila sa beginners? Pinagloloko ba nila ako? Hindi hamak mas mahusay pa sa akin ang mga batang iyon. Ang kapal ng mukha nila para tanggihan ang mga empleyado ko. Dahil lang sa portfolio ko? “How many of our clients and interior designers we’ve hired?” I asked her at kinuha ko ang log book namin para tingnan iyon. “As of the moment our interior designers are only 15 and they rejected our 10 employees and only five were approved. There are more than 20 clients that Sir Bongon recommended,” paliwanag pa niya. Nagkaroon nga kami ng kliyente ay dahil kay Dad. Siya kasi ang nag-recommend ng company namin at kilala siya as one of the best business tycoon. Natural na hindi nila iyon tatanggihan. “What are we going to do? Not many have designed yet and there are plenty of them. Hinahamak din nila ang mga empleyado natin,” malamig na saad ko. I wish we accepted about ten clients first and didn’t reach 20. I still can’t handle those 20 clients. First day of work and my task is already full na? Goodness. Stress lang ang aabutin ko. “Oh, Maam. Hindi po pala. Our client is exactly at 30.” My lips parted in shock. May hawak siyang tab. “We are just new but why is our work already full? Would Dad like this?” I asked. “Yes po,” tumatangong sagot niya. “I’m going to call Dad muna,” ani ko at kinuha ko ang phone ko to call my father. Sana lang ay hindi siya busy. Kailangan ko siyang makausap agad ngayon. “Have a sit, Ms. Guerrero,” pag-aaya ko sa kanya at itinuro ko ang visitor’s chair ko. Agad naman siyang sumunod. Sinagot na ni Daddy ang tawag ko. “Yes?” he answered. “Dad, why are the clients that you accepted 30 already? Did you know they rejected my 10 interior designers? And they prefer me to handle it all. I still can’t handle the many clients. My schedule can’t do it,” hinaing ko agad. “You should be practical. Asahan mong dudumugin ka nila and you have no choice but to give them what they want. That’s business, Novy. No matter how hard your task is you must follow your clients’ suggestion and you can’t disappoint them. They are giving ratings. Magiging maganda ang reputasyon ng kompanya mo kapag maganda ang service na naibigay mo sa kanila,” mahabang paalala niya agad. “I will handle almost half of our clients, Dad?! How do I handle that?! Hindi niyo ba ako patutulugin para lang gumawa ng design na gusto nila?!” hysterical na sigaw ko at hindi ko talaga kayang hawakan iyon ng basta-basta. Bago pa nga lang kami at wala pa akong experience sa mga ganito karaming kliyente namin! Take note na maliit lang ang kompanya namin! “That’s why you have a lot of employees, among the five that were left behind and their work was approved, you can count on them, give them their respective tasks.” Bakit parang kalmado lang yata si Daddy? Hindi man lang siya nabahala sa problema ko ngayon? Stress na nga ako, eh. Kung sabagay business ko naman ito at hindi sa kanya. Pero business partner din kami. Dapat worried din siya. “But, Dad. How can I handle them? Alam mong baguhan din ako,” sabi ko. “Business is business, Novy. Ipakita mo rin ang kakayahan mo sa kanila at kailangan din niyong magsimula sa umpisa.” “Paano kung pumalpak ako, Daddy?” “I know you can do it. Goodluck,” sabi niya saka ibinaba ang tawag. Mariin na napapikit na lamang ako dahil naaasar na talaga ako! Napahilot ako sa sentido ko at sunod-sunod ang pagbuntong-hininga ko. Kulang na lang ay sabunutan ko ang buhok ko sa sobrang inis ng nararamdaman ko ngayon. Naalala ko naman ang mga tauhan ko. I can’t deal with my employees being disappointed just because of the reason, psh. I don’t want them to feel bad because they might think they don’t have the ability yet. Yeah, they are newbies but I didn’t like it at all. They are beginners too and I know they have no experience in this kind of job, me as well. Puro design lang naman ako, ha. I went out and noticed my secretary following me. “Call for a conference meeting, Ms. Guerrero, ASAP,” I said. “Yes, Ma’am.” Nagmamadali na siyang pumunta sa office staff namin. I went to our conference room first. Eksakto lang naman ang laki nito at hindi naman masikip. I’m already sitting in the middle, kung saan dapat ay roon ako nakapuwesto. Sunod-sunod naman silang pumasok sa loob. We only have seven men and the rest are already women. Tumayo na ako nang umupo na silang lahat. “Good morning. Have you heard that your designs are not approved?” I’ll ask them all and they stand together. I can see them being dull and like really disappointed. Sabay-sabay pa silang tumango. I took a deep breath and continue. “Y’all don’t even think about that. They are the ones who don’t see its true potential. I believe in you, I believe you have potential in this field. Even if it’s just now that you prove that you are deserving of your jobs, I know you won’t disappoint me. Don’t think being given rejection ay hindi na maganda ang mga designs niyo—no, trust your own abilities. You were hired because we saw your greatness. You deserve to be known more by people and to be praised. Don’t get offended just because of their comment. Instead, you showed me your best. Just like me, I’m still beginner too. It’s not a shame that you guys are better and educated. Me? I’ve been holding my racket and ball for years, not paper and pencil. I haven’t given enough focus to my design. So now, I’m with five of our interior designers for this task but... Y’all would’ve done something different Build a nursery building and you will take care of your designs. Five floors and one floor I will give you a task,” mahabang saad ko. Naisip ko na lang bigla iyon at panibagong plano. Ayokong mabigo ko rin sila. Gusto kong matuwa naman sila kahit na rejected ang designs nila. Ako na mismo ang mag-h-hired at gagawin nila ang gusto nila sa building na ipapatayo namin. “Ma’am, is that even possible?” tanong ng isa kong staff. “Of course, I’m taking the risk. For now, you will be my assistant before we do my plan to build a new building. Puwede ko ba kayong asahan?” I asked them at tumango naman sila. “Thank you very much, Ma’am Novy.” “Sa lahat po ng boss ay ikaw ang unang naniwala sa kakayahan namin,” sabi naman ng isa na ikinangiti ko. “Akala po namin ay matatanggal na kami dahil sa lack knowledge sa field na ito pero mas binigyan niyo lang po kami ng motivation para maipakita rin ang totoong kakayahan namin. Maraming salamat po, Ma’am Novy.” “I admit that my confidence also decreased when my design was also rejected, Ma’am Novy. I was wondering if I deserve to work with you because it’s just the first day of our work and it seems like we’re already down. But because of your great trust in us, we received a great praise from you,” nakangiting sabi naman ng empleyado kong naka-eyeglasses. “No, don’t think of that,” umiiling na saad ko. “Thank you po,” he uttered. “Hayaan niyo po, Ma’am Novy. We will not disappoint you. We will study the design properly and give improvement,” they said. “Thank you very much for the trust, Ma’am Novy.” “Always remember, defeat and rejection are already part of our lives. We can make rejection better and we know where we can improve. Let’s make that an inspiration and be dedicated to your works. If not even one person trusts you, expect that I’m at your back and I’m the one who’s ready to believe and I’m proud of all of you,” sincere na saad ko. “Thank you po.” “Thank you, Ma’am Novy.” “Come on. Order your foods you want to eat and I’ll pay. Give yourselves a break,” ani ko at ilang beses pa silang nagpasalamat sa akin saka sila lumabas. Nang makita ko na ang masayang mukha nila at nakangiti na, iyong hindi na bagsak ang balikat nila ay saka lang ako nakahinga nang maluwag. Pakiramdam ko kapag nabigo sila ay parang ganoon na rin ang nangyari sa akin. Gayon pa man, mabigat na responsibilidad na nga ang gagawin kong ito. Hayaan na, first time lang ito at next time kung ganito ang gagawin nila sa mga tauhan ko ay ako na mismo ang uurong at hindi tatanggap ng mga katulad nilang judgemental. I made the right decision and as their boss I also have to look after them. It’s not just our company that I remember and its good reputation. Sila rin dapat. I also went back to my office and gave my secretary my cards to pay for food. I thought of my fiancé all of a sudden and when I checked my phone I saw that he had a lot of missed calls and text messages. Aw, hindi ko nagawang sagutin ang tawag niya. My poor love. “Hi, baby.” “Why aren’t you answering my calls, Miss?” “Are you busy today, Novy?” “Are you really busy, baby?” “I wish we could eat together today but if you’re busy it’s okay. Just next time, I guess.” “Please, if you see my text, reply ka agad.” “I’m worried.” “Huwag kang magpapalipas ng gutom.” “I love you.” “Novy take care of yourself.” “Kumakain na ako ngayon. Sana ay ikaw rin, baby.” “Call me if you’re not busy anymore.” “I missed you...” “Baby, I missed you...” “Sana pala ay sabay na tayong kumain kanina ng breakfast.” Sa dami ng text message na natanggap ko mula sa kanya ay hindi ko mababasa ito agad. Ang sweet niya talaga at ang galing niya rin magpakilig. Sumandal ako sa swivel chair ko at nagtipa ng mensahe sa keyboard ng cellphone ko habang malapad ang ngiti ko sa labi. “I’m sorry baby. I was just too busy that I couldn’t answer your call earlier. Sorry, I’ll just make it up to you. Have you eaten yet? What time is it?” “Ah, kumakain ka na pala.” Napatingin ako sa orasan ng phone ko. Haist, it’s not lunch time anymore. Napatingin naman ako sa pintuan nang may kumatok. “Come in,” I muttered. Ms. Guerrero walked in with a plastic bag. Alam kong lunch pack na iyon. “Ma’am, heto po. Kumain din kayo. Pass lunch time na nga po, eh.” “Thank you, kumain ka na rin. Anyway, can I always reserve food with them?” I suddenly asked at itinuro ko ang food panda. “Pardon, Ma’am?” she asked in confused. “It’s going to take a year, just like that. Even if we don’t order from them everyday. Seems like their daily routine now?” Gusto ko kasi na mag-order sa kanila ng food na aabot ng isang taon pero bayad na agad. “I’ll find a way for that, Ma’am,” she said and smiled at me. “Six months sana. Before lunch time, I hope the order arrives properly,” ani ko. Si Michael ang gustong kong order-an ng food para kung makalimutan ko ay may pagkain na siya na puwede niyang kainin sa lunch time niya. “I understand, Ma’am Novy,” she muttered. “Sige na, kumain ka na agad.” “Sige po.” Sunod ko namang tinawagan si Mommy at agad naman niyang sinagot ito. Hindi yata siya busy. “Hello? Napatawag ka?” agad niyang tanong. “Mom, rejected po ang 10 interior designer ko ng mga client namin at 30 po ang lahat ng bilang nila. I don’t have any choice na tanggapin iyon at kaming anim lang ang gagawa. Hindi pa naman umabot ng 6 months ang possible na matatapos namin iyon. Kaya po ba namin ang 30 VS. 6?” paghingi ko ng advice sa kanya at narinig ko pa ang pagbuntong-hininga hininga. “That is your father’s fault, Novy. Sinabi ko na sa kanya na take it easy. Hindi kayo puwedeng tumanggap ng maraming client. Kailangan ay paisa-isa lang pero hindi siya makinig sa opinyon ko. Gusto niyang i-pressure ka para kaya mo raw harapin ang lahat ng problemang darating sa kompanya mo. Masyadong selfish ang daddy mo at akala niya ay madali lang i-handle ang lahat? Seriously?” Nasa himig ng boses niya ang inis. “Puwede ba akong umutang sa ’yo, Mom?” Napakagat pa ako sa lower lip ko. Ang kapal ng face ko, ano? “What? Bakit kailangan mong umutang sa akin? Kaya kitang bigyan ng pera na kakailanganin mo. Name it, or another 10 millions?” “I’ll call you na lang po if kailangan ko na, Mommy.” “Okay. Just don’t pressure yourself. Kapag hindi mo kayang i-handle ay mag-h-hire ako ng bagong interior designer para makasama ninyo.” “Okay lang po, Mommy. Kaya namin ito.” Ibinaba na rin niya ang tawag at napabuntong-hininga ako. Makakaya ko naman ito, right? Tutulungan naman ako ng interior designer ko. Kumain na muna ako bago ako bumalik sa work ko. Mamaya ay titingnan ko muna ang mga suggestion ng clients namin. Siguro, bukas ko na lang hahatiin ang staffs ko at ipapakita rin sa kanila kung ano ang mas importante sa pagdesinyo ng isang kuwarto. Subsob na agad ako sa trabaho ko at kung hindi lang kumatok si Ms. Guerrero ay baka hindi pa ako aalis muka sa kinauupuan ko. “Ma’am, 7:15 na po nang gabi. Hindi po ba kayo uuwi?” tanong niya sa akin at mabilis akong napatingin sa wristwatch ko. “Ay, oo nga pala. Hindi ko namalayan. Masyado akong focus na matapos ang mga design na ito. Sige na, umuwi ka na rin,” saad ko. “Nandito rin po ang iba at hinihintay po kayo na lumabas.” Sinikop ko ang lahat ng papel sa mesa ko at ipinasok sa bag ko. Sinukbit ko ito at pinatay ang ilaw. “Let’s go, umuwi na tayo,” ani ko na tinanguan niya. Saka ko lang nakita ang iba. “5PM ang uwian natin. Hindi niyo kailangan na hintayin ako. Kapag nag-over time tayo ay magsasabi rin ako,” ani ko sa kanila. “Ayos lang po iyon, Ma’am.” “Sige na. Umuwi na rin kayong lahat.” Sumakay na ako sa hummer ko at tiningnan ko si Ms. Guerrero. “May sasakyan ka ba?” “Mag-t-taxi lang po ako, Ma’am Novy.” “Puwede naman kitang ihatid. Saan ka ba nakatira?” I asked. “Malapit lang po ang condo ko rito, Ma’am. Thank you na lang po at mag-ingat po kayo,” wika niya sabay yuko. Sumakay na rin ako sa car ko at mabilis ko na itong pinaandar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD