CHAPTER 1

1712 Words
Chapter 1: Novy’s Introduction NOVY MARIE V. BONGON’S POV I’M BUSY watching other players who are just new, they just joined Coach Avemn’s team last week, which is team din namin. They are newbies but I can already see their potential so I like to watch them even if it’s still all day at hindi ako mababagot. Nakikita ko rin ang tuwang-tuwang reaction ni Coach Avemn dahil sunod-sunod ang pagtango niya at focus na focus siya sa mga bagong alaga niya. Pero hindi naman siya pumapalakpak. Kapag makikita mo lang siyang tumatango at halos hindi na rin umuupo ay roon mo malalaman na natutuwa siya at masaya sa mga nakikita niyang improvement sa pagpa-practice. My shoulder jumped in shocked when someone tapped it, who’s disturbing me all of a sudden. I looked back at this just to frown because it was only my beautiful aunt. “Tita Mommy naman, eh. Ginugulat ninyo naman po ako,” I complained to her. Bakit kaya siya nandito? We are in the gymnasium and it is open field. I’m just sitting in the bleachers and my favorite aunt suddenly appeared. She sat next to me and umakbay pa siya but her chin rests on my right shoulder, that made me smile. “I remember your first day in your competition, anak.” Tita Mommy, Novyann V. Bongon, she’s 45 years old and a single mother. Well, namatay kasi ang asawa ni Tita noong two years old pa lamang si Devillaine. But ang alam ko ay hindi naman talaga iyon ang biological father ni Devillaine. Hindi naman palakuwento talaga ang tita ko lalo na kung love life na niya but when I asked her about her first love which is father ng cousin ko ay sinabi niya lang na may family na iyon at wala na rin siyang alam kung nasaan na ang whereabouts nito, and besides wala na rin daw siyang care. Eh, madalas ko siyang nakikita na nakatulala sa picture ng isang lalaki. I’m not that sure naman if Daddy na iyon ng aking pinsan. She said, nakatatakot daw talaga ang first love kasi may kasabihan daw na first love never dies. That’s why hindi ako nagkaroon ng boyfriend at pinanatili ko ang pagiging cold-hearted person ko dahil ayokong matulad kay Tita Mommy. Ang daming mga lalaki ang nagpapalipad hangin sa akin and as if papansinin ko sila? Always lang sinasabi ni tita na masarap daw magmahal kung una mong mararamdaman ito sa isang tao but nah. No thanks dahil mas gugustuhin ko pa ang maging single na lang forever kaysa naman ang masaktan pa ako na higit pa sa physical mong mararamdaman. I can endure the pain physically, hindi mentally and emotionally. Iyon ang hindi ko kaya pero dahil sa pagiging cold ko rin ay kahit papaano ay wala akong nararamdaman na kahit sa dalawang iyon. And also, my Mom and Dad. First love rin nila ang isa’t isa pero nasaan sila ngayon? Hindi naman sila ang nagkatuluyan dahil nagkaroon pa rin sila ng sarili nilang pamilya at ako? Bunga nga ba ng pag-ibig nila o isang mistake lang nila? Eh, iniwan lang naman ako sa ere ng parents ko. Si Tita Mommy na ang nag-alaga sa akin ng three years old pa lamang ako. Nakababatang kapatid siya ni Daddy Nevo. Therefore hindi rin ako naniniwala sa tadhana. Ang pinapaniwalaan ko lang ay ang tatanda ka ng mag-isa. Tsk. Yes, I came from a broken family. Three years lang nagsama ang parents ko ay naghiwalay na agad sila at ako iniwan na lamang ni Mommy kay Tita dahil mas nauna ring nagpakasal sa ibang babae si Dad. Bilang ganti niya ay ako ang ipamimigay niya. As if magagalit sa kanya si Dad, eh wala namang pakialam iyon sa akin. Kaya pala talaga hindi rin sila ang nagkatuluyan habangbuhay. However, hindi ko rin naramdaman ang pag-iisa ko sa mundong ito. Dahil nandiyan ang tita ko na tumayong ina at ama ko. Mabuti pa sa kanya ay nararamdaman ko rin na importante ako at mahal na mahal niya. Tinuring na isang totoong anak, and nandiyan din si Devillaine. My cousin na super ka-close ko. “Iyong ikaw po ang first supporter ko, Tita Mommy?” tanong ko dahil naalala ko iyon. Sino naman ang makalilimot agad, eh iyon na ang first competition ko as a single tennis player na naging champion agad. “Yes, Novy,” she replied at tumango-tango pa siya. Nakangiting binalikan ko ang pangyayaring iyon 7 years ago. 19 years old pa lamang ako at that time and fourth year college. Kaya isang karangalan ang iginawad sa akin ng university na pinapasukan ko dati. Yes, hindi ako inabutan ng K2-12. “Are you nervous, ’nak?” Tita Mommy asked me and I nodded pero umiling din ako kalaunan at natawa siya. “Tita, ilang taon ko na po itong ginagawa, eh. Sanay na ako sa competition lalo na sa university namin. Parang chicken na lang po ito sa akin, eh,” ani ko at napasimangot siya. Hinawakan niya ang nanginginig kong kamay at malakas siyang humalakhak. “Mommy naman, eh!” reklamo ko. Dahil pinagtatawanan niya ako. “Chicken? Your hands are shaking, Novy. This is just a chicken ba? Hay naku naman, anak ko...” “Tita Mommy... Normal na po ito sa akin, but I admit it po. I’m a little bit nervous,” I uttered the fact. She caressed my face and pulled my arms para bigyan ako nang mahigpit na yakap. Ngumiwi ako dahil halos hindi na ako makahinga pa pero marahan niya lang tinatapik ang likuran ko. “You’re right, Novy. Normal ang makaramdam ng nervous but you can do this, anak. Kilala kita at palagi kang nananalo sa competition ninyo. Ikaw pa ba na chicken lang daw ito?” sabi niya na ikinangiti ko at niyakap ko rin siya pabalik. “Thank you po, Tita Mommy...” Kumalas din siya nang makita ang paglakad-takbo ni Coach Avemn. “Ready ka na, Novy?” tanong ni coach sa akin na tinanguan ko. “Now, come on.” Coach Avemn and Tita Novyann, mag-best friend silang dalawa since grade school pa lamang sila. Kaya alagang-alaga ako ng coach ko and besides siya rin ang Ninang ko. “Cheer up, Novy Marie!” I smiled when she exclaimed. “Thank you po, Mommy! Ipanalo po natin ito!” masayang bulalas ko at hindi naman ako nabigo kaya nang matapos iyon na na-announce ang pagkapanalo ko ay teary-eyed pa si Tita. “But, ano po pala ang ginagawa ninyo rito, Tita?” I asked her nang bumalik sa realidad ang isip ko. Kapag pumupunta si Tita rito ay may dahilan. “Birthday ng Daddy mo ngayon, anak. Pupunta tayo,” sabi niya at matiim niya akong tinitigan. “Novy...” See? Kahit birthday ng matandang iyon ay hindi ko na rin naalala pa. “Bakit nag-birthday na naman ang kuya mo, Tita? Nagsasawa na ako rin ako sa pa-birthday niya. Wala namang masaya roon,” seryosong sabi ko. Alam niya na ayaw ko talagang pumupunta sa birthday ng parents ko dahil maiinis lang din ako. Kasi kahit ang birthday ko ay hindi naman nila naaalala pa. Babati lang sila kapag sinasabi sa kanila ni Tita Novyann tapos kinabukasan ay magpapadala na sila ng birthday gift nila. Si Mommy ay puro signature bag ang ibinibigay niya. Samantalang si Dad naman ay pera at i-treat ko raw ang friends ko and maki-bonding sa mga ito. Hindi ko naman tinatanggihan ang mga iyon pero binibenta ko ang regalo ng Mommy ko. Kay Daddy naman, na ang bahay-ampunan ang nakikinabang sa pera niya. Ayoko na talagang makatanggap pa ng kahit na ano mula sa kanila. Wala rin naman silang halaga pa sa akin kaya bakit ko tatanggapin ang mga ibinibigay nila? Hindi ako maluho, ah. Psh. Ibigay na lamang nila iyon sa mga anak nila na puro kayabangan lang ang mayroon sa mga katawan no’n. Hindi ako nagseselos or naiinggit. Iinit ang ulo ko at ma-stress ay iyon pa ang mangyayari sa akin kapag nakikita ko ang mga ito. “Novy...” “Sabihin ninyo na lang po na busy ako. May practice po kami sa loob ng one week!” sigaw ko at tumayo pa ako. “Anak...” “Mommy... Ayoko na po talagang makita ang face ni Daddy!” I shouted pa. Hinaplos niya ang braso ko at ngumuso ako pero marahan niya lang pinitik ang labi ko. “Hindi puwede, anak. Sasama ka sa amin ni Devi. Inaasahan niya ang pagdatingan mo,” aniya. “Tita... Hindi ninyo po talaga ito magagawan ng paraan?” I pleaded and she shook her head. Humugot ako nang malalim na buntong-hininga at sumigaw na lang ako sa huli dahil sa frustration. Natawa si Coach Avemn nang makita ako at binigyan niya agad ng break ang mga tennis player niya. She walked towards us. “Ano na naman iyan, Novy?” she asked at namaywang pa siya. “Ninang po ba kita ngayon o isang coach ko lang?” I asked her. “Okay, ninang,” sagot niya. Napangiti ako at lumapit sa kanya. “Ninang, baka naman po puwede ninyong sabihin kay Dad na hindi po ako puwede mamamayang gabi? Dahil may overtime tayong practice? Malakas ka naman po sa daddy ko dahil muntik ka na niyang maging asawa! Buti na lang po ay hindi!” “Nope. Kahit ako ay invited din. Novy, kahit ano pa ang ginawa ng daddy mo sa ’yo or even your mom. Always remember na sila pa rin ang parang mo,” paalala pa niya tapos tumango naman si Tita. “Sana po pala naging pusa na lang ako, Tita, Ninang. ’Di ba po?” Natawa lang silang dalawa. No choice na nga talaga ako! Kundi ang pumunta sa birthday party ni Dad at i-greet siya ng happy birthday. The hèll, bakit hindi na lang siya sa langit mag-birthday, ’no? Matutuwa pa talaga ako. Novy Marie V. Bongon is the name, 27 years old, born on April 30, international athlete and a famous tennis player, I won several times in the Olympics games. A woman with a cold heart daw ika nila. My both parents galing sila sa mayamang angkan pero ano ang pakialam ko sa money nila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD