CHAPTER 2

1695 Words
Chapter 2: Canada I DON’T have any choice but to agree na lang na sumama sa kanila. May dalawang anak na lalaki si Daddy sa second wife niya at hindi sila nagkaroon ng anak na babae. Ewan ko sa kanila, baka hindi sila marunong gumawa ng baby girl. Hindi nila ginalingan ng stepmother ko. Sana pala tinuruan siya ng mommy ko. Lima at pitong taon ang agwat nila sa akin pero hindi naman sila masama na katulad ng Mommy nila. Feeling pretty, mas maganda pa nga ang tita ko kahit dating artista pa iyon. Hindi ko nga lang pinapansin ang brothers ko dahil naaalala ko sa face nila si Dad. Malaki kasi ang similarity nila, eh. But ginagawa naman nila ang paraan para kausapin ako. Doon naman kay Mommy ay nagkaroon naman siya ng isang anak na lalaki sa second husband niya. Wala rin siyang anak na babae dahil sila lang talaga ni Daddy ang marunong gumawa no’n at hindi na iyon puwede. Psh. Baka may umiyak pa kapag binalikan nila ang isa’t isa. Nakahiga lang ako sa bed ko and honestly speaking, tinatamad akong bumangon at maghanda para sa flight namin mamayang gabi. Nasa Canada na kasi nag-stay for good si Daddy with his second family. Good for him dahil nila ako maaabala sa mga ginagawa ko ngayon. Samantalang si Mommy ay nasa London naman. Ako lang talaga na anak nila na mas pinili na lang ang mag-stay sa Philippines dahil nandito rin naman si Tita Mommy. Pero madalas ay sa ibang bansa rin ako lalo na kung may olympic games kami. Isang hoteliers si Tita at kahit isang taon siyang mawawala, na hindi magpaparamdam sa mga staff niya ay kayang-kaya ito ng taong pinagkakatiwalaan niya na patakbuhin ng mag-isa without her. Duh, I’m refering to my cousin. She’s good on business din, eh. “Coz, get up ka na raw sabi ni Mommy!” Speaking of the devil, psh. “I don’t want to! Bakit kailangan pa akong nandoon?! Ang daming anak ni Daddy!” reklamo ko at ibinaon ko ang mukha ko sa unan ko. Saka ako mariin na pumikit. “Let’s go na, coz... Gusto kong mag-Canada dahil vacation ko na raw iyon sabi ni Mommy. Alam mong super busy ko. Bakit kasi hindi mo pa ako tulungan na magpatakbo ng hotel? HRM naman ang tinapos mo, right?” pangungulit niya sa akin. HRM graduate ako from Harvard. Si Tita Mommy ang nagpaaral sa akin kahit sinabi ni Daddy na siya na ang bahala sa tuition ko pero sinabi ko lang sa kanya na hindi ako mag-aaral kapag siya ang magbabayad ng tuition ko. Nag-offer din si Mommy pero tinanggihan ko rin. Kay Daddy nga ay hindi ko tinanggap sa kanya pa kaya? Pero may natatanggap din ako na allowance from them. No choice naman ako na tanggapin iyon dahil tinakot ako ng tita ko na wala siyang ibibigay sa akin na allowance kapag binabalewala ko ang tulong ng parents ko. Iyon lang naman ang natanggap ko kaya okay lang. Kaya rin ganoon ang course ko dahil pinili iyon sa akin ni Tita Mommy. Inaasahan niya raw na tutulungan ko ang pinsan ko sa pagpapatakbo ng sarili niyang hotel pero umabot lang ako sa 27 years old ay ni minsan hindi ko na-i-manage ang hotel dahil sa passion ko as a tennis player. Mas gusto ko pa yata ang maghagis ng bola at magbabad sa araw. Napabangon ako nang makarinig ako ng isang kaluskos at nakita ko na hinihila na ni Devillaine ang suitcase ko at may ipinapakita na siyang damit na susuotin ko. “Devi!” “Novy!” panggagaya niya. “Mommy! Ayaw po ni Novy sumama! Nakahiga lang po siya sa bed at hindi pa siya ready!” sumbong niya at wala pang isang minuto ay bumukas na ang pintuan ng room ko. Bihis na bihis na rin siya at ako na lang din talaga ang hinihintay nila. I pouted when I saw her. “Tita, pass...” “Hindi puwede, sweetheart. Bangon ka na riyan. Mali-late tayo sa flight natin,” sabi niya at naglakad siya palapit sa akin—sa bed ko. Hinila niya ang makapal kong comforter sabay palo niya sa hip ko. Alam niya na pinakaayaw ko ang paluin ako sa butt ko dahil nagba-bounch iyon, eh! Narinig ko lang ang nakaiinis na tawa ni Devillaine saka siya lumabas na bitbit ang suitcase ko. Hinila na nga ni tita ang braso ko para tuluyan na rin akong makabangon. Sabay bigay niya sa akin ng damit ko na ang pinsan ko pa ang naghanda. “Mommy, do I need to come with you pa po ba? Kaya namang mag-birthday ni Daddy together with his family! Bakit nadamay pa ako?” tanong ko para lang kurutin niya ang butt ko. “Tita, naman eh...” Napahimas-himas ako roon. “Let’s go na, anak. Magbihis ka na, okay? At saka parte ka pa rin ng family nila kahit iniwan ka ng Mommy at Daddy mo.” Iniwan niya rin ako after that. I’m still part of their family? Weh? Ang pagsimangot ko ay tumagal pa iyon hanggang sa nakarating na nga kami sa Canada. Kasama namin si Coach—Ninang Avemn. She’s with her youngest daughter din na si Avian, 7 years old pa ito. Yeah, right puwedeng-puwede pa nga silang magkaroon ng bagong anak ni Ninong. Dahil bata pa siya para magbuntis ulit. “May plano ka ba para sa future ng pamangkin mo, Novyann?” tanong ni ninang sa tita ko. Nasa hotel na kami na malapit lang sa airport at kasalukuyan na nga kaming nag-c-check in. Katabi kong nakaupo ang pinsan ko at si Avian. Busy naman si Devi sa phone niya at kung sino-sino lang ang ka-chat nito sa f*******: account niya. Minsan pa ay nahuhuli ko siyang nakangiti na tila kinikilig din siya sa mga nakausap niya. Pati ang batang katabi ko rin ay iyon ang inaatupag. May sarili rin naman akong account pero hindi ako mahilig magbabad ng phone. Mas gusto ko pa ang mag-practice na lang ng tennis buong araw o kaya naman ay manood ng ganoong klaseng movie. “May napupusuan na akong lalaki for her. Hulaan mo kung sino?” narinig kong tanong pa ni Tita. Alam ko na ang bagay na iyan ngunit hindi ko lang masyadong pinapansin dahil last two years pa kaya niya sinabi iyan sa akin pero wala naman siyang naipakilala sa akin na lalaki. Irereto niya ako sa lalaking gusto niya. Iyong sa tingin niya na hindi raw katulad ni Daddy. Ewan ko kung may mga lalaki pa ba ang stick to one sa isang babae. Sa mga nakikita ko rin naman sa paligid ko, sa mga co-player ko ay puro brokenhearted naman silang lahat. Kaya masasabi kong wala ng matinong lalaki sa mundo. Kasama na talaga si Daddy, na puro sarap lang ang alam sa buhay niya. “I’m not manghuhula, Novyann. Just tell me already,” ani ninang. “Kilala mo ba ang Brilliantes clan?” Tita Mommy asked her. Pinili ko na ring pakinggan ang mga pinag-uusapan nila kahit ako naman ang topic nila. “Oh, my! Kilala ko iyon. Isa sila sa may malaking firm sa bansa! At magaganda ang mga lahi nila. Maraming mga apo si Don Brill. Kaya sino naman doon ang lalaki na napili mo for Novy?” Bakit sa boses ni Ninang Avemn ay excited siya masyado? Ano naman ang mayroon sa Brilliantes clan na iyon? “Hmm... Hindi na puwede ang panganay at pangalawang apo. Pero may dalawang nakababatang kapatid pa na lalaki ang panganay na apo ni Don Brill. Tiyak akong magkakasundo ang inaanak mo sa engineer na iyon. Nandito rin sila sa Canada kaya sinadya ko talagang isama si Novy.” “Tita, binubugaw ninyo lang po yata ako sa lalaking pinag-uusapan ninyo, ah. Wala na po kayong asawa sa akin?” sabat ko sa kanila. Nag-peace sign lang siya at nilingon ko naman si Devillaine na nagkibit-balikat lamang. “Kilala mo iyon, coz?” I asked her. “Walang tao ang nakatira sa bansa natin na walang nakakikilala sa clan na iyon, coz. Isa sila sa pinakasikat na pamilya at mayaman din ang mga iyon,” sagot niya habang hindi naman siya nakatingin sa akin. Nasa phone niya lang. “Wrong. Mayroon pa ang hindi sila nakikilala,” saad ko at doon ko lang nakuha ang buong atensyon niya. “What do you mean by that, Novy?” interesadong tanong niya. “Of course, isa pa ako roon, ’no!” ani ko at saka ako tumayo na bitbit na ang bagahe ko. Nilapitan ko na sina Tita Mommy at Ninang. Sabay bigay ni tita sa akin ng keycard ko. Share kami ng room ng cousin ko dahil iyon naman ang madalas naming ginagawa kapag nasa ibang bansa kami. Hindi dahil kuripot kami pareho pero mas gusto namin kayong one room lang. Hindi rin naman kasi kami magtatagal pa. “Ang sabi ng daddy mo nga ay diretso na tayo sa mansion nila. Pero inaalala lang kita, Novy. Alam kong pinakaayaw mong mag-stay sa bahay ng iyong daddy.” That’s true. Ayaw kong manatili roon kasama ang family ni daddy. Hindi ako comfortable. Hindi lang din ako makakatulog nang mahimbing. Feeling ko ay may sasakal sa aking leeg kapag natutulog ako. “Behave, Novy. Ikaw ang panganay at nag-iisang anak na babae ng daddy mo. Dapat maging proud ka dahil nag-iisa ka lang babae sa pamilya nila,” pagbibigay lakas loob sa akin ng aking ninang. “Ewan ko lang po talaga, Ninang, eh. Naiinis lang ako sa face ni Dad—” “Novy,” seryosong sambit ni tita sa pangalan ko. Napahalakhak si Ninang Avemn dahil sa pananahimik ko agad. “Ikaw lang talaga ang may kayang patahimikin itong maganda kong inaanak, Novyann.” “Ikaw rin po kaya, Ninang Avemn,” I told her. “Basta nandito lang kami ng tita mommy mo. Huwag mo sanang papatulan ang stepmom mo, okay?” paalala pa niya. Oo, pinapatulan ko ang pagiging maldita ng wife ni daddy. Eh, bakit ba? Malakas mang-insulto iyon. Akala mo ay isa lang siyang perpektong tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD