Chapter 15: The other brothers
“KUYA Michael! Anak talaga ng pusa—whoa... May kasama ka palang magandang babae, Kuya? Sino siya?” tanong nito. Hinagod ni Michael ang likuran ko dahil ilang beses akong umubo at feeling ko ay may lumabas na rin na tubig sa ilong ko.
“Are you okay, Miss? Novy?” worried na tanong niya sa akin at sinilip pa niya ang mukha ko. Salubong ang kilay niya. “Bakit kasi hindi ka nag-iingat?” paninisi pa niya at mas lalo lang akong naubo. Mag-w-worry siya tapos sisisihin niya rin ako in the end. Tss.
“Goodness, hija.” Pati ang parents niya ay worried na rin sa akin. Nagulat lang naman kasi ako sa narinig kong pangalan na sinambit ng lalaking kamukha ni Michael. Mukhang nakababatang kapatid niya ito, isa pa tinawag siya nito na kuya.
Nang kinabig ng fiancé ko ang ulo ko sa dibdib niya ay hinalikan niya ang sentido ko. Doon lang huminto ang pag-ubo ko. Parang magic na nawala na lamang bigla.
“S-Sorry po. Ayos na ako, Michael,” nahihiyang sabi ko pa at tiningnan ko pa ang isang lalaki na naaaliw na siyang nakatingin sa akin. Nagawa pa niyang umupo sa tabi ng Mommy niya at nangalumbaba pa siya. Pinaupo ako ni Michael.
“Be careful next time, please.” Tumango lang ako sa sinabi niya. Masyado siyang nag-worry. Hala naman. Parang nasamid lang naman ako ng tubig—I mean juice. Pinunasan pa niya ang tubig sa gilid ng labi ko at mayroon pa sa akin ilong.
“A-Ano ulit ang pangalan ng pusa mo?” tanong ko sa lalaki at bigla siyang napatayo. Sinundan ko siya nang tingin at nagmamadali niyang kinuha ang pusa malapit sa swimming pool.
“Ay, Novy. Ang kulit mo talaga. Nandiyan na ang Daddy mo. Siya na ang mag-aalaga sa ’yo simula ngayon. Kasi ayoko na sa ’yo.” Natuyo ulit ang lalamunan ko. Aabutin ko na sana iyong juice ko nang inagaw iyon ni Michael. Siya na ang umubos ng laman no’n. Natakot na yata siya na baka masamid na naman ulit ako. “Uhm, ano iyon, Miss?” untag nito.
“Hay naku, Miko. Doon ka muna sa labas,” sabi ng kanyang ama.
“No, Dad. Magpapakilala muna ako sa magandang babae na kasama ni Kuya Michael,” sabi niya at lumapit pa siya sa amin. Ibinigay niya rin iyong pusa sa nakatatanda niyang ng kapatid. “Hi, I’m Miko S. Brilliantes. Nice to meet you, Miss?” Naglahad din siya ng kamay sa akin kung kaya’t tumayo na rin ako para tanggapin ang pakikipagkamay niya.
“I’m... N-Novy Marie V. Bongon. Nice to meet you rin,” I uttered my name and he seems shocked.
“Wow, Novy. Galing pala sa ’yo ang pangalan ng alagang pusa dati nina Kuya Mergus at May Ann. Halatang gusto ka nga ng bagong may-ari nito kaya pinangalanan niya rin itong ‘Novy’. Para siguro palagi ka niyang maalala.” Ang dami niyang sinasabi, ay.
“Novy?” Nilingon ko si Michael. “Hindi ba ang pangalan ng pusa mo ay Maryann?” nagtatakang tanong ko sa kanya. He avoided looking at me. Nakita ko ang pagpula ng magkabilang pisngi niya. “Narinig ko pa iyon noong nasa elevator tayo. Paanong naging Novy na? Dahil ba iyon sa akin? Do I looks like a cat, Michael?” I asked him but I remembered something.
“Sana po pala naging pusa na lang ako, Tita, Ninang. ’Di ba po?”
Naitikom ko na lamang ang bibig ko. Dahil minsan ko na ngang nasabi iyon kay Ninang Avemn, na sana nga ay naging pusa na lamang ako pero sa nalaman kong may pusang kapangalan ko na nga ay parang gusto ko na lang bawiin ang sinabi ko. Hindi na yata magandang idea iyon, eh.
Napapitlag ako nang hawakan niya ang kamay ko. Nagulat pa ako ng dalhin niya ito sa labi niya at pinatakan din nang halik.
Are all Brilliantes gentlemen? Do they still kiss women’s hands when they introduce themselves?
Also based on what I’ve seen with Michael’s younger brother, Miko seems to be nice too, he seems friendly because he’s not only handsome, he also has a beautiful smile and very genuine. His aura is so light and you can’t feel like he has a bad motive towards you. With that handsome face which is also very innocent but... I can see his being a joker. Sa face pa lang niya ay halatang-halata na nga.
“Masaya rin akong makilala ka, Novy. Ako ang pinakaguwapo sa aming magkakapatid kaya kilalanin mo ako at tandaan palagi, ha? Dahil magtatampo ako sa ’yo,” sabi niya pero hindi pa niya binibitawan ang kamay ko.
I think, wala naman sa kanila ang pagiging close. Magkaiba naman kasi iyon, friendly lang sila at madali lang silang pakisamahan, and gusto ko ang vibes ni Miko. Mukhang hindi siya palaging behave—I mean madaldal kasi siya, eh. Baka magkakasundo pa kami nito. Hindi siya katulad ng iba riyan na always behave at minsan mo lang maririnig ang boses niya.
“Engineer ka rin ba?” tanong ko sa kanya.
“Yes, lahat kami ay iyon ang passion namin. Bonus na lang sa amin kung may engineer din ang nagiging parte ng pamilya namin.” Napatango ako dahil ang interesting din pala ng family nila.
“Paupuin mo na ulit si Novy, Miko,” sabi ni Tita Jina. Pinaupo niya nga ako at binigyan pa niya ako ng mansanas na nahiwa na. Tinanggap ko naman iyon.
“Thanks, how old are you pala?” I asked him habang kinakain ko na ang apple na bigay niya. Nginitian ko pa ang mga magulang niya na nanonood sa bawat galaw namin.
“Hmm... I’m—”
“Miko, kanino bang fiancé ang kausap mo?” sabat ni Michael. Napahinto tuloy sa pagsasalita ang brother niya. Hindi ko nalaman kung ilang taon na ba ito.
“Ha? Bakit, Kuya? Bawal na bang kausapin si Ms. Novy? At saka hindi pa naman kayo officially engage, ’di ba? Puwede pa ngang magbago ang isip ni Grandpa. Puwede pa ngang agawin ang tinatawag mong fiancé,” pagdadahilan sa kanya ni Miko.
Sa boses pa lang niya ay may himig ng pagbibiro iyon pero sa hitsura pa lamang ng kanyang kuya ay mukhang nagalit na siya. Seryoso pa naman ang face niya. Naiiling na lamang ako. Kahit ako ay natutuwa sa joke niya but his kuya ay wala yata sa vocabulary nito ang magbiro. Palaging seryoso.
“Gusto ko pa iyon, Miko,” sabi ko at itinuro ko naman ang isang slice ng pineapple. See? Hindi man lang ako nahiya na utusan siya.
“Okay,” aniya at kinuha na nga niya iyon. Literal na hindi na namin pinansin pa ang kuya niya. Kaya nararamdaman ko na iyong dark aura sa paligid namin. Still hindi ko siya pinansin at nag-e-enjoy pa ako na makasama si Miko. Ang parents lang nila ang kinausap namin.
“Now you know what it feels like to seem na inaagawan, ano Michael?”
“Ang sarap niyang kutusan, ’no? Iyong walang kahirap-hirap niyang nakukuha, iyong tipong ngingiti lang siya and your fiancé doesn’t care about you.”
“That was just an ant bite, Michael. But anger reaches to the sky.”
“Oh, kasama ninyo na pala ang Mikael ko! Mik, nandiyan ka na pala!” sabi niya at nilapitan pa niya ito. Agad niyang inakbayan ang lalaking tinawag niyang Mikael. Close pala silang dalawa.
Namamanghang tiningnan ko ang mga kalalakihan na bigla na lamang sumulpot. The two are still twins because they have the same face. They are all handsome, they are tall and have a strong sèx appeal. Especially the... I look at a guy, there’s no facial expression on them but this one is different. I think he might be the most handsome of the siblings. Miko is just cute. But he... I kinda wanna pinch both his cheeks if papayagan niya lamang ako. How cute.
“Hi, Novy Marie, right?” Ang nagtanong ay ang unang nagsalita kanina. I nodded for respond. “Kapangalan mo ang fiancé kong si Theza Marie.”
“Kasing ganda niya rin si Theza baby, right Kuya Markus?” singit ni Miko.
“Tumahimik ka muna, Miko. I’m Engineer Markus S. Brilliantes, the eldest grandson of Grandpa. You can call me kuya.” Kinailangan ko ulit tumayo para tanggapin ang pakikipagkamay niya sa akin pero hindi typically na handshake lang dahil hinalikan niya rin ang likod ng kamay ko.
“I’m Engineer Markin, sunod kay Kuya Markus,” sabi naman ng isa, iyong—ewan ko sa dalawa kung sino ang sunod na nagsalita kanina. Nakangiti siya. Mahirap kilalanin, wala kang makikita na may kaibahan sila. Mula sa guwapo nilang mukha. Sa buhok at sa paraan ng pananamit niya.
“Engineer Mergus, the twin brother of Kuya Markin.” Ang isang ito ay parang si Michael lang. Seryoso masyado at mukhang tahimik din siya.
“And Miss, this is our youngest brother. He’s my twin too. Engineer Mikael.” Nang hawakan niya rin ang kamay ko ay hindi niya ginawa iyong paghalik.
“I’m Novy Marie. Novy na lang ang itawag ninyo sa akin,” sabi ko na tinanguan nilang lahat. “Puro ba kayo lalaki? Wala ba kayong kapatid na babae?” tanong ko at huminto iyon sa bunso nilang kapatid. Nang magtagpo ang mga mata namin ay mabilis niyang iniwas iyon.
“Novy Marie,” seryosong sambit ni Michael sa pangalan ko at maingat pa niyang hinila ang braso ko para paupuin ulit ako.
“Kailan pala ang next competition mo, Novy? Puwede ba kaming manood?” Napangiti ako sa tanong niya. Wala pa man ay nararamdaman ko na ang suporta niya para sa akin.
“Next month pa iyon. Puwede ninyo naman akong panoorin sa TV. Naka-live kami palagi,” sabi ko na ikinailing niya.
“Iba pa rin iyon kapag nakikita ka namin na naglalaro sa malapitan. Gagawan ka namin ng banner and from Brilliantes clan,” sabi niya sabay kindat.
“Anyway, dumaan lang kami rito dahil sabi ni Grandpa ay ngayon darating si Michael kasama ang fiancé niya. Dad, Mom. Aalis na po kami,” paalam ni Engineer Markus.
“Ako rin. Baka hanapin ako ni May Ann. Hindi ako nakapagpaalam sa kanya na aalis muna saglit.” Isa sa kambal ang nagsalita.
“Kahit hindi ka na magpaalam pa, Kuya Mergus ay wala namang pakialam pa sa ’yo si May Ann baby,” sabat na naman ni Miko.
“Shut up, Miko. Kanina ka pa,” iritadong sabi ni Engineer Mergus.
“Miss Novy, pagpasensyahan mo na si Miko, ha? Siya kasi ang pinakamakulit sa aming magkakapatid,” sabi ni Engineer Markin. Kilala ko na siya dahil hindi naman siya ang unang nagsalita kanina.
“Miko, you should call her ‘ate’ dahil mas bata ka kaysa kay Novy. She’s already 27 years old, may I right, Miss?” tanong ng nakatatanda nilang kapatid. I nodded.
“Kuya, mas matanda nga si Theza na halos kaedad mo na ay hindi naman niya tinatawag ni ‘ate’, si Novy pa kaya?”
“Just let’s go, Mikael you still need to come.”
Inalis nga ng bunso nilang kapatid ang braso ni Miko na nasa balikat nito.
“I’ll go ahead, Kuya Miko. Miss Novy, glad to meet you,” sabi nito para lang magtagal ang titig ko sa kanya.
“No, Mik! Sasama ako! Novy, bye!” paalam niya pero may kasama pang paghalik sa kaliwang pisngi ko.
Sinuway tuloy siya ng parents niya tapos ang isa riyan ay kanina pa pala nanahimik at tila wala na rin siyang pakialam sa paligid niya. Ang alagang pusa na lamang niya ang binigyan niya ng atensyon. Kahit ang mga kapatid niya ay hindi na rin niya pinansin pa.
“Nasa mansion niya ang Grandpa mo, Michael. Puntahan ninyo siya at alam kong inaasahan niya rin ang pagdating ninyo.”
“Yes, Dad.” Malamig pa sa yelo ang boses niya tapos tumayo na siya agad. Napakamot ako sa kilay ko nang hindi na niya ako pinansin pa at naglakad na siya.
“Michael, may balak kang iwan dito ang fiancé mo?” nalilitong tanong sa kanya ng Mommy niya.
“Mom, hindi na po siya bata para yayain kong tumayo at sumunod sa akin. Matanda na po siya at alam na niya kung kailan siya susunod.” My jaw dropped.
Nawala tuloy ang ekspresyon ng mukha ng daddy niya at nagmamadali na akong tumayo. “Okay lang po, sige aalis na kami, Tita, Tito,” paalam ko pa at nang makita kong naglakad na nga talaga si Michael ay mabilis na akong sumunod sa kanya. “Michael! Wait up! Hey!” sigaw ko dahil wala siyang balak na hintayin ako. Hanggang sa nakalabas na kami ay hindi niya man lang ako nilingon kaya kinuha ko ang coat ko sa braso ko at itinapon iyon sa kanya. Natamaan siya sa ulo at doon na siya napahinto. “Ano ba ang problema mo, ha?!” sigaw ko at nasa magkabilang baywang ko ang kamay ko.
“Ikaw,” mabilis na sagot niya pero napakasimple.
“At paanong naging ako, ha?! Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka man lang namamansin! Pagod ako, Michael! At huwag mo akong ma-silent treatment diyan!”
“Ako rin naman!” sigaw niya na walang emosyon sa face niya. Napabuga ako ng hangin.
“Uuwi na lang ako sa hotel if ganyan ka,” sabi ko at tinalikuran siya pero mabilis niya akong napigilan. Hinawakan niya ang siko ko, of course nagpumiglas ako.
“Sorry na,” sa mababang tonong saad niya. I took a deep breath para pakalmahin ulit ang heartbeat ko. Dahil sa pag-sorry niya sa akin ay bumilis talaga ang pintig ng puso ko.
“Ano ba kasi ang problema mo?” nakataas pa rin ang kilay na tanong ko sa kanya. Umiling siya at ibinigay lang sa akin ang alaga niyang pusa. Nang hinaplos ko ang balahibo nito ay nag-ingay siya. Hinalikan ko ang ibabaw ng ulo niya. Mas malaki siya ngayon compare sa dati. “Bakit ba Novy ang pangalan niya? Sinadya mo ba iyon, ha?” kunot-noong tanong ko. As usual ay hindi na naman siya nagsalita. Sa halip ay hinawakan niya lamang ang likod ko at iginiya na niya ako. Siya na ang nagdala ng coat and handbag ko.
Hindi ko naman maiwasan ang mapatingin sa mansion na nasa paligid. Ito na yata ang pinakamalaki na mansion dito sa subdivision nila.
“Kay Grandpa ito.”
“Sino-sino ang mga nakatira sa subdivision ninyo?” I asked him.
“Kami lang na Brilliantes clan at ang mansion ni Grandpa ang mas matagal. Noong nabubuhay pa si Grandma ay naninirahan na sila rito. Kahit noong hindi pa nga sila ikinakasal.” Sayang hindi ko na makikilala pa ang lola niya dahil matagal na yata itong namatay.
Hindi na kami nahirapan pa sa paghanap kay Don Brill dahil nasa garden siya at ginugupitan niya ng dahon ang bulaklak. Ang isang kamay niya ay nakatago sa kanyang likuran. Nang maglakad siya sa kabila ay napatingin na siya sa amin. Sumilay ang ngiti niya sa labi nang makita niya ako.
“Oh, akala ko ay wala na kayong balak na puntahan ako rito. Magtatampo na sana ako dahil alam kong nasa kabilang bahay lamang kayo.” Grabe, bahay lang ang tawag niya sa mansion. Halatang mayaman na nga sila. Sa paglapit namin kay Michael ay hinubad niya ang rubber hand gloves niya. Nagmano ang fiancé ko sa lolo niya kaya iyon din ang ginawa ko. “Isang buwan din tayong hindi nagkita ulit, hija.” Marahan pa niyang tinapik ang ibabaw ng ulo ko. Aminin ko man o hindi ay mas matangkad din pala itong si Grandpa kaysa sa akin.
“Oo nga po, eh. Nagpaiwan po kasi ako sa Canada dahil naging temporary coach ako roon ng amateur tennis player,” paliwanag ko.
“And I’m proud of you being like that, Novy. Come on, pumasok kayong dalawa. Alam kong mga pagod kayo. Magpapahanda ako ng early lunch natin. Mabuti pa, apo. Magpahinga muna kayo sa guest room. Tatawagin ko na lamang kayo kung luto na ang pagkain.”
Iyon nga ang ginawa namin ni Michael. Natulog na naman kami na magkatabi, kasama na ang pusa niya pero papalitan ko pa rin ang pangalan niya. Hindi puwedeng ‘Novy’ ang pangalan niya. Walang hiyang engineer na ito.
Sa sunod na araw pa akong nakabalik sa hotel at hinatid ako roon ni Michael saka siya nagpaalam. One day lang din ang rest ko at back to practice na ako.
“Kumusta, Novy? Ayos ba ang pagiging temporary coach mo?” masayang tanong ni Coach Avemn. Nilapitan niya ako nang makita niya akong paakyat na sa gymnasium.
Malaki ang space rito at medyo may kataasan ang center na pinaglalaruan namin para mas makita kami ng crowd while playing.
White na jersey ang suot ko pero may blue sa gilid ng colar, sleeves at sa laylayan nito. Blue shorts na kalahati ng hita ko ang haba nito. White na sneakers din ang suot ko pababa. Inayos ko ang wristban ko sa kanang pulso ko. Mataas na nakabungkos ang buhok ko at dahil maikli lang ito ay may nalalagas sa tali pero hinayaan ko na.
“Okay lang naman po, Coach. Naka-survive naman po ako kahit nasigawan ko ang player but still hindi naman nila ako nireklamo sa original coach nila.” Mahinang humalakhak siya.
“Sabu ko na nga, eh. Iyan talaga ang mangyayari.”