CHAPTER 16

3116 Words
Chapter 16: First date “KILALA ninyo na po ako, Coach. Mas gusto ko ang maglaro na lang kahit buong araw pa. Of course kailangan ko pa rin naman po ng break,” I told her. Napatingala ako sa langit dahil diretsong tumama sa akin ang sinag ng araw at masakit ito sa balat. Expected na nasa Pinas tayo at walang araw na hindi naging malamig ang panahon maliban na lamang kung may bagyo or maulap siya. Pero minsan ay maulap naman talaga siya. Ang init ng klima sa bansa ay hindi naman iyong sobra-sobra talaga ang init na parang masusunog ka na at hindi lang ang iyong balat. Iyon nga lang ay pagpapawisan ka pa ng husto. Kapag sa umaga ay rito kami nag-p-practice, sabi ni Coach ay may vitamins pa raw ang sikat ng araw pero kapag hapon na ay nasa loob na kami ng isang gymn na hindi na namin kailangan pang mainitin sa araw o pagpawisan pa dahil may aircon naman na. Fresh ka pa. Pero para sa akin ay mas gusto ko ang pinapawisan ako dahil exercise na rin iyon. “By the way. Kaya mo bang sumabak sa competition next month, Novy?” Hindi ko lang talaga ninang ang best friend ni Tita Mommy. Dahil kahit coach lang siya marunong siyang magpahalaga sa player niya. Iniingatan niya kasi kami na mga alaga niya. Hindi rin siya strict at binibigyan niya kami ng break kapag nakikita niya kami na sobra ng pagod mula sa practice namin. Tinatanong pa niya kami kung kaya naming sumali sa competition and never din siyang naging favoritism. “Opo. Nakapag-practice rin naman po ako rito at kasama ko ang new team ng tennis player doon. Kaya nakita ko kung saan sila mas kulang, kung may potential ba sila. Masasabi kong mayroon naman, lack of practice lang po but they can’t force naman na maging isang mahusay agad na player. Nagsisimula po tayo sa mababa na hindi pa natin kayang maging isang the best tennis player. Marami pa tayong pagdadaanan na pagsubok at isa na rin po roon ang kabiguan, right Coach?” Base lang naman iyan sa experience ko, kahit na minsan ay hindi ko rin naranasan ang matalo. “Tama ka pero bakit ikaw ay hindi ka man lang nahirapan? Parang chicken na ang lahat sa ’yo, simula sa mga kalaban mo,” sabi niya at umakto pa siya na parang may hawak siyang handle. “Coach naman, hindi naman po sa ganoon. Warm-up po muna ang gagawin ko as of now. Nasanay yata agad ang balat ko ng klima sa ibang bansa at masakit ang sikat ng araw na tumatama sa akin,” ani ko at hinaplos ko pa ang braso ko. “Okay, sige go ahead. Check ko muna ang iba nating players,” sabi niya at itinuro niya ang mga ito na kasalukuyan nang naglalaro. “Coach, single po ba ang laban natin?” I asked her bago pa man siya makaalis. “Oo, single pero by rounds ay papalitan natin ang player. Bawal mapagod ang isang sasabak sa competition. Pero ikaw ang unang maglalaro para makapasok tayo sa first round. Mahuhusay naman ang kasama mo at kahit hanggang semi ay makakapasok tayo.” Isa rin ito na may tiwala siya sa kakayahan ng bawat isa. “Sige po,” sabi ko at nag-stretch muna ako ng mga braso at binti ko saka ako nagsimulang tumakbo sa area nito. Kalahating oras lang yata ang itinagal ko ay huminto na ako kasi ang init masyado, eh. Grabe, hindi ba ito uulan? Nakahawak ako sa baywang ko nang lapitan ko ang bag ko at sumalubong sa akin si Coach Avemn. May ininguso siya kung saan pero hindi ko ’yon na-gets agad. Tiningnan ko ang laman ng backpack ko at kinuha ang tumbler ko pero pagbukas ko ay wala namang tubig. Hays, wala nga akong maiinom nito. “Hey, Novy. Kanina ka pa hinihintay ng fiancé mo. Puntahan mo na. Kanina pa iyan,” sabi niya at napatingin ako sa hindi kalayuan na direction. “Mahaba pala ang pasensya niya, ha. Nakita rin namin iyong arrival ninyo sa airport at talagang sinugod ka ng fans mo. Mabuti na lamang ay kasama mo ang fiancé mo s***h bodyguard. Nag-trending yata iyon dahil isa sa mga Brilliantes clan ang mapapangasawa mo. Alam mong kilala sila at mayaman ang kanilang angkan.” “Coach Avemn, ano pong mapapangasawa ko? Hindi pa po natin alam,” ani ko at kinuha ko ang backpack ko. Nagpaalam muna ako sa kanya bago ko nilapitan ang engineer na nasa akin agad napako ang tingin niya. Parang nagrarambulan na naman ang kung ano man ang nasa dibdib ko. Ang lakas nang kabog, eh. Pinasadahan pa niya kasi ako nang tingin mula ulo hanggang paa ko. Walang bago sa face niya. Mahirap na naman siyang basahin. Kaloka siya, ha. He stood up from his seat at ibinigay niya sa akin ang dala niyang bouquet. Sanay akong nabibigyan ng ganito ng mga fans ko at hindi na rin ito bago sa akin pero ngayon ay parang first time ko ulit na mabigyan. Kasi feeling ko lang naman iyon. Inabot ko rin naman iyon pero napaatras ako nang humakbang siya palapit sa akin. Hindi na ako nakaiwas pa nang halikan niya ako sa pisngi. Na-conscious na naman ako dahil pinagpapawisan kaya ako at baka kung ano pa ang maamoy siya sa akin! “Bakit may pa-kiss ka pa? Amoy pawis ako,” reklamo ko sa kanya at bahagya pa akong umiwas sa kanya. Hinila niya lang ang braso ko at pinaupo. Kinuha niya ang backpack kong nakasukbit sa balikat ko. Alam ko naman na ang hahanapin niya, siguro iyong towel ko lang pero nang mahawakan niya ang brassiere ko ay mabilis kong kinuha iyon. Nahawakan pa kasi niya ang foam, eh. Tapos pinisil-pisil pa niya. Tumikhim siya at nang mapatingin ako sa magkabilang pisngi niya ay nagkulay kamatis na nga iyon. Mahinang natawa ako. Sa halip na ako ang mahihiya sa nakita niya ay siya pa yata ang nakaramdam no’n. Marahan kong tinapik ang kaliwang pisngi niya. Tumagos naman ang tingin ko sa tumbler na dala niya. Dalawa iyon at may dala rin siyang itim na backpack. “Wala kang tubig?” tanong niya. “May dala akong tumbler pero wala namang laman. Nakalimutan ko yata kumuha kanina sa water spencer,” ani ko. Tumango siya at kinuha na niya ang tumbler na kanina ko pa tinitingnan. Binuksan niya ito at ibinigay sa akin. Inilapag ko sa lap ko ang bulaklak dahil ayokong basta na lamang ilagay ito sa bleacher. Feeling ko rin ay masisira siya. Chos. “Thanks. Paano mo pala nalaman ang place na ito? Hindi ba ngayon ka lang nakapunta rito?” tanong ko at naibsan ang panunuyo ng lalamunan ko. “Yeah. Ang tita mo ang nagsabi sa akin.” “Wala ka bang work ngayon? Bakit pumunta ka pa rin?” Inagaw ko sa kanya ang face towel ko dahil gusto na naman niyang punasan ang sweat ko. “I just want to see you habang nag-p-practice ka, and yes. May work pa ako. Ngayon ang simula ng other project ko na in-assign sa akin ni Kuya Markus sa akin.” I nodded at inabot ko ang backpack niya kaya bahagyang dumikit ang katawan ko sa kanya. “Bakit may dala kang ganito?” tanong ko. Nag-iwas na naman siya nang tingin sa akin at tumulis ang labi ko sa nakita. “Hinanda mo ito para sa akin, hmm?” mahinang tanong ko sa kanya. Binuksan ko iyon at pizza ang hinanda niya. “Homemade pizza ba ito, Engineer?” “Nope. Binili ko lang iyan kanina. Galing ako sa site at dumaan lang ako sa isang pizza house,” paliwanag niya. I just shrugged my shoulder. “Gusto mo?” I asked him. “I’m full.” Kinain ko na lang ang dala niyang pizza dahil wala naman siyang balak na kumain kasi raw ay busog na siya. “Babalik ka ba sa practice mo?” “Nag-warm-up lang ako kanina. Mainit kasi ang sikat ng araw at masakit sa balat, eh. I want to rest muna.” Nang hawakan niya ang braso ko ay nanlaki ang mga mata ko. Mas maputi pa yata siya kaysa sa akin! Binawi ko na iyon dahil nahihiya ako. Dahil ito sa pagbabad ko sa araw. “Bakit ka nga pala nagtatanong sa akin?” “I just want to ask you for a date,” sabi niya. Napahinto ako sa pagnguya. “Alam mo ba na hindi na ikaw ang unang lalaki na nagtanong niyan sa akin?” “Ha? Kung ganoon may nauna na sa akin? Akala ko ba ay cold-hearted person ka?” “What? Ano’ng cold-hearted naman iyan?” salubong ang kilay na tanong ko sa kanya. “Hindi mo na ito first time?” I shook my head. “First time, masuwerte ka kapag napilit mo akong maka-date ka,” ani ko. “Please, baby. Let’s date,” he pleaded and this time ay may emosyon na ang eyes niya. Pinisil ko ng mariin ang kanang pisngi niya pero wala siyang naging reaction. Grabe, isang salita ko lang ay susunod na agad siya. “Saan naman tayo pupunta?” “Hindi ko rin alam.” Nahinto na naman ako sa pagkain ko. “Ay, niyayaya mo akong mag-date pero hindi mo alam kung saan tayo pupunta? Seryoso ka ba, engineer?” natatawang tanong ko. “Sa kung saan-saan na lamang tayo pumunta,” sabi niya at lumakas lang ang halakhak ko. Ano’ng sa kung saan-saan? “Okay. Ayoko naman masayang ang effort mo sa pagpunta rito kahit alam kong busy ka sa work mo. Hintayin mo lang ako rito—pero mainit dito. Sumama ka na lang sa akin.” Ang box ng pizza lang ang dinala ko kasi nagpaka-gentleman na naman siya. Napatingin pa sa amin ang co-layer na tinuturuan pa ni Coach Avemn. Hinila ko sa braso si Michael. Pero nasa labas na kami ng net, eh. Nang mapansin ni Coach ang paglapit namin ay iyon din ang ginawa niya. “Bukas ka na lang mag-p-practice, Novy?” “Opo, niyaya po ako ng engineer na ito na makipag-date. By the way, Ninang. Si Michael po, kilala ninyo naman siya siguro?” Siniko ko pa si Michael, mabilis niya lang nahuli ang siko ko. “Yeah. Nagkita na kami sa party ng Daddy mo. Pero gusto ko pa rin siyang makilala na ikaw mismo ang gagawa no’n.” “Michael, siya pala ang Ninang Avemn ko. Best friend siya ni Tita Mommy. Ninang, boyfriend ko po,” sabi ko. “I am not, baby. I’m not your boyfriend,” pagtatama niya. “Hello po, I’m Engineer Michael S. Brilliantes. Fiancé po ako ni Novy Marie.” Ayaw niyang ipakilala ko siya na boyfriend ko dahil mas gusto niyang fiancé kahit na hindi pa kami officially engage. “Nice meeting you, Engineer. Ikaw na ang bahala sa inaanak ko, ha? She’s a little bit snob and grumpy. Sa ’yo ako nag-aalala dahil kilala ko iyang si Novy.” Sumimangot ako. “I will po.” Pumasok kami sa rest house rito sa gymnasium. May mga room dito kung gusto namin mag-rest. Kompleto ang mga gamit dito. “I’ll take my shower first. Mabilis lang ito. Wait ka muna riyan at huwag mong kakainin ang pizza ko, ha?” babala ko pa sa kanya, kinuha ko na ang backpack ko na hawak niya at patakbong nagtungo ako sa locker room. Just like what I said ay mabilis nga lang akong naligo. Napanguso pa ako nang makita ko ang dala kong pamalit. Strap sando na kulay navy green and white blazer and jeans. Ayos na siguro ito para sa date namin kahit hindi na ako naka-dress. Pero kapag mag-aaya ulit siya na lumabas kami ay mag-aayos na talaga ako Nag-spray pa ako ng perfume ko saka ko binalikan si Michael pero bumagal ang paglalakad ko nang makita ko na may katabi na siyang dalawang babae. Nang mahagip na niya ako nang tingin ay agad siyang tumayo. Inabot niya rin ang bag ko. “What are you doing?” tanong ko sa dalawang babae. Kilala ko sila dahil nasa kabilang team lang sila. “Novy, kinakausap lang namin itong boyfriend mo pero hindi naman siya sumasagot, eh.” “Akala ko nga ay pipi—” Tinadyakan ko ang inuupuan nilang bench at gumawa iyon nang ingay. Naramdaman ko ang pagtingin sa amin ng mga taong nasa paligid. Nanlaki rin ang mga mata nila sa gulat. “Novy...” Michael held my arm. “Be careful with your words. Kapag ayaw kayong makausap ay tantanan ninyo siya. Hindi ko siya boyfriend, fiancé ko siya,” malamig na sabi ko. Inirapan ko pa sila at saka lang ako inilayo roon ni Michael. Dala niya ang BMW white car niya. “Ano pala ang sinabi sa ’yo ng dalawang babaeng iyon?” I asked him but he just shrugged his shoulder before siya nag-drive sa kotse niya. “Saan na ulit tayo pupunta? May idea ka na ba kung saan tayo mag-d-date?” “Let’s go uhm... May nahanap na akong beach resort.” “Mag-o-overtime tayo?” gulat kong tugon. “If you want then we can spend the night sa beach resort.” “Wala ka bang work if mag-stay tayo hanggang sa gabi?” “Mayroon. But I can spend my time with you kahit marami pa akong paperworks sa opisina ko. Gusto ko g mag-work ang relationship natin, Novy,” sabi niya. “Bahala ka nga at bakit ba gusto mong mag-work ang relationship natin?” curious kong tanong sa kanya. “I just want to take care of you. Ayokong matulad ka sa mga fiancé ng kuya ko.” “Bakit? Ano’ng mayroon sa kanila?” “Tsismosa ka?” Ilang beses akong napakurap sa sinabi niya. Inirapan ko na lamang siya at hinanap ang box ng pizza. “Hindi ba ang mga player na katulad mo ay dapat may diet?” “What? Ano’ng diet? Kahit marami pa akong kainin ay hindi ako agad tataba at ano naman kung tataba ako? Mas maganda iyong may laman,” wika ko at pinisil ko pa ang tiyan ko pero natawa siya nang makita na wala rin akong nahawakan doon. One hour to be exact ang biniyahe namin saka kami nakarating doon. To be honest ay napagod ako sa kauupo ko kaya ang likot-likot ko kanina. Napapansin na niya iyon pero hinahayaan na lamang niya ako. Sa pag-park niya ay ako na ang kusang bumaba. Hindi naman sa lahat ng oras ay siya ang nagbubukas sa akin ng pintuan. Dinala lang namin iyong backpack ko kasi nandoon ang cellphone ko at wallet. Pati na ang bouquet ay iniwan na rin namin doon. Hindi naman siguro siya masisira. Tumaas ang sulok ng mga labi ko dahil ito ang hinahanap kong pakiramdam. Iyong lamig at ang simoy ng hangin na humahalik sa aking balat. Ang ganda pa ng dagat, asul na asul ang kulay niya tapos maririnig pa ang paghampas ng alon sa buhangin. Namimilog pa ang mga mata ko sa nakita dahil may boat cottage roon. “Mag-overtime na lang tayo rito. Wala nga lang tayong dalang extra na damit,” suggestion ko pa. “T-shirt lang ang dala ko. Puwede ka namang maligo if you want?” Tumango ako. May hotel din pala rito para makapag-check in ang mga guest nila rito na dumadayo sa beach nila. Nag-check in lang ng isang room si Michael. Wala namang kaso sa akin. Hinatid lang muna namin ang backpack saka kami lumabas. Pinili namin ang cottage na nasa dulo at nag-order na rin siya para sa lunch namin. Since hindi naman na super early talaga ay okay lang din. Umupo ako sa papag. Kapag kakain yata ay rito sa mababang mesa—hapag kaya kailangan mo pang mag-indian seat. May upuan naman na gawa sa kawayan tapos may puti at asul na kurtina pa. Tinanggal ko ang cardigan ko at pati na ang sneakers ko. “Sama ka?” pag-aaya ko sa fiancé ko. Umiling siya sa akin. “Hihintayin ko pa ang in-order natin para sa lunch,” sabi niya. “Okay. Maglalakad-lakad muna ako sa tabing dagat. Gusto kong magpahabol sa hampas ng alon,” excited na sabi ko at tumaas lang ang sulok ng mga labi niya. I was about to run sana nang mabilis niyang nahuli ang siko ko at iniharap niya ako. Hinalikan niya ang gilid ng labi ko. Napatutop ako sa dibdib ko. Sa bilis ng pintig nito. “Make sure na hindi ka lalayo iyong nakikita lang kita mula rito. Para hindi ako mag-alala sa ’yo.” Tinanguan ko na lamang siya. Parang batang naglalaro na lamang ako sa tabing dagat pero sa tuwing may napapatingin sa gawi ko na couple ay mabilis akong tumitingin sa ibang direction. Minsan na nga lang akong naging malaya na walang tao ang nakakikilala sa akin ay hindi yata nangyari iyon. Dahil may mga teenager pa ang lumapit sa akin. “Kayo po si Novy Marie, ’di ba? Iyong tennis player po?” “Siya na siguro dahil kahawig niya si Novy Marie. Ganyan din ang hairstyle niya,” sabi pa ng isa. Sa nakita ko naman na excitement nila ay hindi ko na nagawa pang magsinungaling. Ayoko naman na masayang ang time na ito na ma-meet nila ako in person. “Pa-picture naman po, Novy! Avid fans mo po kami!” “Ikaw po ang inspiration ko kaya ako naging tennis player din sa university namin! Owemji, ano po ang ginagawa ninyo rito?” Ngumiti lamang ako sa kanila. Ayokong sabihin sa kanila na kasama ko ang fiancé ko baka makipag-picture rin sila. “Ang ganda ninyo po pala sa personal.” “Thank you po sa time ninyo.” “No worries.” Kung ano-ano na ang pose na ginawa naming apat. Halos hindi pa nila ako iwanan kaya nang nasa malayo na siya ay nakasimangot akong bumalik sa cottage. Nakatayo lang si Michael habang may hawak siyang cellphone. Nakasuksok ang kaliwang kamay niya sa bulsa ng pants niya. Nang makita niya ang paglapit ko ay mabilis niyang ibinulsa ang phone niya at sinalubong ako. “What’s with a long face, Novy?” he asked me. Tumagos na naman ang tingin ko sa likuran niya. Dumating na pala ang in-order niyang pagkain. Lalapit na sana ako roon nang hapitin niya ako sa baywang at hinalikan pa niya ang sentido ko. Pero nakatutok sa hapag ang atensyon ko. Mahigpit niyang niyakap ang baywang ko at inamoy ang buhok ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD