Chapter 17: Checkmate
“MICHAEL, bitaw na. I’m hungry na kaya. Gusto ko ng kumain,” ani ko. Curious din naman ako kung ano ang food na in-order niya. Mukhang marami-rami iyon. “Michael.” He buried his face on my neck. Nakikiliti ako sa mainit na hininga niyang tumatama sa balat ko. Wala na kasi akong suot na cardigan ko.
Wala pang isang linggo kaming nagkasama ay ganito na siya ka-clingy sa akin. Maliban na lang sa umabot na ng one month simula nang magkakilala kami at ngayon lang din ako nag-entertain ng isang lalaki na hindi ko sinungitan. Habang patagal nang patagal na magkasama kami ay nasasanay ako sa presence niya at parang gusto ko na rin siya na makasama sa bawat oras.
Kahit ako pa ang mauubusan ng laway sa kasasalita at bilang lang ang mga salitang lumalabas mula sa bibig niya. Nagiging sapat na sa akin ang presensiya niya. Nakagagaan kasi ng pakiramdam.
Gusto niya rin kasi na mag-work ang relationship namin na if ever mangyayari iyon ay super saya siguro ni Don Brill at hindi lang siya, pati na rin ang tita mommy ko. Ewan ko na lang din kay Mommy.
Pinakawalan naman ako ni Michael pero ikinulong pa niya ang magkabilang pisngi ko. Focus sana ako sa food pero na-t-temp na naman akong halikan siya. Dahil namumula na talaga ang lips niya.
Nang tumitig ako sa eyes niya ay may kislap na naman. Hinaplos pa niya ang pisngi ko at unti-unting lumapit ang face niya sa akin. I closed my eyes as I wrapped my arms around his neck. Hinintay ko na magdikit ang mga labi namin and I almost mag-tiptoe na pero walang dumampi na malambot na bagay sa labi ko.
Napadilat ako pero muli rin akong napapikit nang siniil na niya nga ako nang mariin na halik. Nalasahan ko agad ang tamis kung kaya’t tumugon na ako sa kiss niya. Bayolente na ang paghinga ko dahil sa tindi ng halikan namin at parang may sinisindi lang kami na apoy sa paligid na tinutupok na rin kami nito.
Huminto lang kami nang pareho na kaming kinapos ng hangin. Tumindig ang balahibo ko sa batok nang halikan niya ako sa leeg. Nakapikit lang ang mga mata ko at kung wala lang kaming narinig na ingay mula sa kabilang cottage ay baka hindi hihinto si Michael sa paghalik niya sa akin at wala rin yata akong balak na pigilan siya dahil gusto ko ang sensasyon na iyon. Gusto ko ang sensasyon na ibinibigay niya. Bago lang kasi iyon sa pakiramdam ko, eh.
Napatingin ako sa ingay na iyon at nakita ko na isa ring couple ang nasa kabila. Inaya na lamang ako ng fiancé ko na kumain. Seafood iyon lahat at walang maanghang. Halos subuan na naman niya ako. Kasi may crabs din, siya pa ’yong naghimay no’n for me. I even licked my finger dahil nagkamay lang kami pero pinigilan ako ni Michael.
“Bakit ba?” may inis na tanong ko.
“Don’t do that,” seryosong sabi niya.
“Alin ba ang hindi ko dapat gawin?” tanong ko sa kanya. Ininguso niya ang mga daliri ko na napuno ng sauce na ginawa niya. “Ayaw ko nga. Masarap kasi,” sabi ko at didilaan ko na sa ulit ang middle finger ko nang hinawakan na niya ang pulso ko. May table napkin na agad siya at pinunasan niya iyon. “Ang killjoy mo talaga, Engineer,” I told him with a facepalm.
“Stop teasing me, Miss. Sa aming magkapatid ay ako ang may pinakamahabang pasensiya pero ikaw yata ang uubos ng pisi ng pasensiya ko,” mariin na saad niya. Kumunot lang ang noo ko. Paanong naging ako na ang uubos sa pisi ng pasensiya niya?
“Ewan ko sa ’yo. Gusto ko pa ng crab, Michael,” ani ko at kinagat ko ang daliri ko. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya. “Ano ba ang problema mo? Ba’t ganyan ka makatingin sa akin?!” naiiritang tanong ko. May talim kasi ang eyes niya. Literal na sinasamaan niya ako nang tingin.
“Just eat, Miss,” naiinis na sabi niya lamang. Ano ba kasi ang problema niya? Bakit siya ganyan? At ano raw ang sinabi niya kanina? Stop teasing me? Ha?! Ginawa ko ba iyon?! Parang tánga naman ang lalaking ito, ay.
Nang matapos kami ay siya pa ang nagligpit. Ayaw naman niya kasi na tumulong ako. Tumayo ako at aalis na naman sana nang magsalita siya.
“Stay here, Novy.”
“Maglalakad-lakad lang naman ako sa tabi ng dagat para ma-digest ’yong food sa tummy ko. Hindi maganda sa pakiramdam, eh. Mahirap huminga,” I reasoned out. That was true naman. Wala sa vocabulary ko ang magsinungaling.
“No, stay here. Tapos ka nang naglakad kanina.”
“Michael.”
“Hindi pa ako tapos dito. Baka sa kung saan-saan ka na mapadpad— Novy isa!” sigaw niya dahil patakbong umalis ako sa cottage. I stick out my tongue. Napahilot na lamang siya sa sentido niya.
May boardwalk din sila at may nakita pa akong jetki. Speedboat and may yatch din. I want to go there. May yellow boat. Nang makalapit sa akin si Michael ay itinuro ko sa kanya ang yellow boat.
“Nakikita kong maraming tourist ang pumupunta roon, Michael. Pumunta tayo?” Sinundan pa niya nang tingin ang itinuro ko. Inilabas niya ang phone niya sa pocket ng pants niya.
“May kabilang isla roon na puwedeng puntahan ng tourist. May hanging bridge raw kasi roon.”
“Punta tayo?”
“No. Sa hitsura pa lang ay delikado na. Dito na lang tayo,” sabi niya at sa seryoso ng mukha niya ay hindi na ako nakipag-argument pa sa kanya.
Pinagsiklop pa niya ang mga daliri namin at ipinakita niya sa akin ang picture sa phone niya. Napangiwi ako and tumayo lang ang balahibo ko.
“Ayoko sa matataas na place,” ani ko at marahan na pinitik niya ang noo ko.
“Kaya nga behave ka na lang.” I pouted. Piningot niya lamang ang ilong ko. “But gusto mong mag-jetki tayo?”
“Hindi ako marunong. Kaya ko lang maglaro ng balls,” sabi ko at napatingin siya sa akin. His lips rose up and namula na naman ang cheeks niya. “Ano na naman, ha?”
“Gusto mong turuan kita?” I nodded. Lumapit kami sa isang lalaki at binitawan niya muna ako pero kumapit pa rin ako sa laylayan ng longsleeve niya. Hinubad niya na rin kasi kanina iyong coat niya.
Nang makita niya nga ang pagkapit ko ay hinawakan niya ulit ang aking kamay. Nang iginiya niya ako sa jetki ay napatingin ako sa dagat.
“I-Ikaw na lang, Michael. Next time mo na lang akong turuan,” wika ko.
Nauna siyang sumakay at gumewang pa iyon. Naglahad siya ng kamay at akma pa akong tutulungan ng lalaki na makasakay rin nang pigilan niya ito.
“No, don’t touch her. I can handle my fiancé,” malamig at mariin na saad niya. I held his hand at tipid kong nginitian ang lalaki na nahiya pa siya.
Yumakap agad ako sa baywang ni Michael. “Ang sungit mo namang engineer,” komento ko at hinigpitan niya ang pagkakahawak ng mga braso ko sa baywang niya.
“Kaya naman kitang pasakayin sa jetki. Kaya bakit ka niya tutulungan pa? Eh, ’di mahahawakan ka niya.”
“Ha?”
“Ha?” panggagaya niya sa akin.
“Ano naman kung hahawakan niya ako? Mamamatay ba ako?” tanong ko na may bahid na inis pa rin.
“He’s the one who will die if he tried to touch you.”
“Gunggong!” sigaw ko at binatukan ko pa niya tapos nagreklamo siya na masakit. “Oh, akala ko ba ay wala kang nararamdaman? Kahit nga pisilin ko pa ang magkabilang pisngi mo ay wala ka man lang reaction. Tara na lang,” ani ko at sumandal ako sa malapad na likod niya.
“Ihuhulog kita ro’n, oh,” pananakot pa niya. As if kaya niyang gawin.
Nang umandar na nga ang jetki namin ay nagsimula na akong mabasa ng dagat pero ayos lang dahil masarap ang hangin, eh. Tumatama iyon sa mukha ko.
“Whoa!” masayang sigaw ko at itinaas ko pa ang kaliwang kamay ko.
“Ihuhulog na talaga kita kapag ganyan ka!”
“Killjoy mo!”
Ikot-ikot lang ang ginawa naming dalawa at inaamin kong super nag-enjoy ako. Hindi ko kasi ito nagagawa, dahil masyado kong pinipilit ang sarili ko na mag-practice tapos bihira lang ako kung mag-unwind. So I can say na simula nang makilala ko si Michael ay marami na akong nagagawa sa life ko.
Nauna siyang bumaba sa jetki dahil ayaw na raw niyang maulit ang nangyari kanina. Naglahad agad ako ng kamay sa kanya. Mahigpit niyang hinawakan iyon at hinila ako.
“Gusto mo pang umikot ulit?” tanong niya habang sinusuklay ng mga daliri niya ang nabasa kong buhok.
“Ayaw ko na. Nakahihilo rin naman pala,” sabi ko.
“Ganyan ba kabilis magbago ang isip mo?” tanong niya na tinanguan ko. Napatingin pa siya sa dibdib ko kaya tinakpan ko iyon. Umigting lang ang panga niya. My brows furrowed at nang tingnan ko ang sando ko ay bumakat nga ang black brassiere ko dahil nabasa nga ako ng tubig alat kanina.
“Ano? Wala namang nakita sa akin,” natatawang sabi ko dahil nainis yata siya. Hinubad niya nang nakaharap sa akin ang white longsleeve niya. Bayolenteng napalunok ako dahil ayaw niyang putulin ang eye to eye contact namin habang tinatanggal na niya ang butones nito. May suot pala siyang t-shirt sa loob. Saka siya pumuwesto sa likod ko at isinuot iyon sa akin. “Nasa beach naman tayo, eh. Bakit kailngan ko pang isuot ito?” tanong ko at humarap na naman siya sa akin tapos isa-isa niyang sinara ang butones. Tinanggal ko ang dalawang nasa taas pero isinara niya ulit iyon. “Michael.” Nang tanggalin ko ulit iyon ay hinayaan na niya ako.
“Ba’t ang kulit mo?”
“Ikaw po ang makulit,” I fired back na may kasama pang irap. Just like that, he let out a short laughed bago niya ako yayain na umalis na rin sa boardwalk.
Hindi na kami mga teenager pa pero ang relationship namin ay parang ganoon na nga ang lumalabas. Buong araw ay nag-enjoy lang kami ni Michael.
Dinala ko pa siya sa tabi ng dagat nang makita kong unti-unti nang lumulubog ang araw. Nag-mixed na rin ang kulay niya. Magkatabi kaming nakaupo at hawak na naman niya ang kanang kamay ko. Magkadikit na rin ang balikat at braso naming dalawa.
“Ang ganda. Mas malinaw ko siyang nakikita kapag nasa tabing dagat lang pala ako,” ani ko.
“Yes, it’s beautiful,” he uttered but nang ipihit ko ang ulo ko sa kanya ay sa akin naman siya nakatingin. May twinkle-twinkle na naman sa eyes niya.
“Eh, ba’t ka nakatingin sa akin? Dapat doon, oh,” ani ko at pinihit ko pa ang ulo niya pero ibinaling niya rin ulit sa side ko. I shook my head.
“You’re the most beautiful more than this sunset,” seryosong sabi niya.
“Huwag mo akong banatan. Sa sunset ka tumingin.”
“Ayaw ko. Isa rin siya ayaw panoorin ni Grandpa kahit na paborito ’yan ni Grandma.”
“Why is that? Parang sunset lang naman ito?” Umiling na lamang siya at hindi na sumagot pa. “Alam mo, hindi naman talaga malungkot iyang paglubog ng araw dahil meaning niyan ay panibagong pag-asa,” pagkuwento ko at unti-unti na nga itong nagiging dilim dahil sumisilip na ang magandang buwan.
“Nagpapaalala iyan kay Grandpa na minsan nitong kinuha ang mahal niya sa buhay,” malungkot na sabi niya at ako naman ang natigilan. Ngayon ay nauunawaan ko na.
“Ganoon talaga ang life,” sabi ko at tumango siya. Lumalamig na ang paligid at bago pa man namin magpasya na umalis ay nagulat na lamang ako ng may pumatak na malamig na tubig. “Ay!” Ulan lang pala! Naunang tumayo ang fiancé ko at inalalayan niya ulit ako na makatayo saka kami tumakbo. Sumilong sa cottage. Madilim na nga ang paligid dahil biglaan naman yata ang ulan. Basang sisiw na kami. “Dapat pala ay sa hotel na lang tayo dumiretso, Michael. Malamig dito to rest na rin there,” sabi ko.
“Ayos lang na maging basang sisiw ka na?”
“Basang sisiw na nga ako,” ani ko at mahina na naman siyang natawa.
“Let’s go then.” Napatili na lamang ako nang hilahin na niya ako pero nasa ulo ang isang palad niya.
Hingal na hingal kami pareho nang makatapak na kami sa hotel. Dumiretso agad kami sa room namin at hindi na ako nakapag-isip pa ng tama dahil basta ko na lamang hinubad ang longsleeve niya na suot ko dahil basang-basa na talaga ito pero natigilan ako nang mapansin kong kanina pa yata siya nanonood sa akin.
“W-What?” kinakabahan na tanong ko sa kanya. Diretso kasi ang tingin niya sa akin.
“Mauna ka ng maligo,” sabi niya at tumango ako. Dumiretso agad ako sa bathroom na may kaba pa sa dibdib ko. Bakit kasi ganoon agad ang eyes niya? Parang nag-aapoy sa uhm... Ang bilis pa ng heartbeat ko. Pinilig ko na lamang ang ulo ko dahil sa nakikita kong imahe niya.
Medyo natagalan ako sa loob ng banyo dahil nagdadalawang isip pa ako kung lalabas na ba ako o hindi. Bathrobe na lang ang suot ko. Kahit noong binuksan ko na ang pintuan ay sumilip pa ako para tingnan siya. He was half-naked pero nakita ko rin na sumisimsim siya ng coffee habang nakatutok na naman siya sa phone niya.
Nang tumingin siya sa gawi ko ay mabilis akong nagtago. Binitawan ko ang doorknob dahil nakikita ko ang kamay kong nakahawak dito.
“Bakit nagtatago ka?” Napaigtad ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Michael at nakahilig na pala siya sa akin. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na siya at naka-cross arms pa siya.
“Tapos na ako. Ikaw na rito.”
Nagawa ko namang lumabas at siya ay tuluyan na ring pumasok. Nasa bed na niya ang extra t-shirt niya pero isa lang yata iyon. Ano naman kaya ang isusuot niya?
“Novy Marie?” Napatingin ako sa pintuan ng banyo.
“Oh?”
“Drink your coffee bago pa lumamig iyan.” Tumango ako at umupo sa kama. Pinainit ko muna ang kamay ko bago ako sumisimsim nito.
Ang tagal niya rin sa loob dahil naubos ko pa ang coffee ko at ayaw kong isuot ang t-shirt. Paglabas niya ay nakatapis lang siya ng puting tuwalya, of course sa baywang niya.
“Michael, ikaw na lang ang magsusuot nito. Ipa-laundry na lang natin ang mga damit natin.” Tumango naman siya sa suggestion ko at kukunin ko pa lang sana ang mga damit ko ay hawak na pala niya. Mabilis akong lumapit ako sa kanya at kinuha ko iyon. “Magtawag ka na ng room- service,” sabi ko at tumikhim pa siya bago siya lumapit sa telephone para tumawag. Hindi naman nagtagal ay may nag-doorbell na. Bago pa man ako makalapit sa pinto ay inunahan na ako ni Michael. Pero nang makita ko na babae naman ay siya ang tinulak ko palayo. Naguguluhan na tuloy ang babae sa amin. Ibinigay ko na ang mga damit namin. Nagpasalamat ako saka ko iyon isinara. “Magbihis ka na roon,” ani ko.
Isinuot naman niya iyon at umupo ako sa kama. Siya ay nanatiling nakatayo lamang. Honestly speaking ay nakaiilang na nga ang situwasyon namin. Ako ay mahigpit kong hawak ang bathrobe ko.
“Hindi ka ba nilalamig, Novy?”
“Tatayo ka lang ba riyan?” magkasabay na tanong namin. Nag-iwas pa kami nang tingin sa isa’t isa.
“Novy?”
“Bakit?”
“Nilalamig ako.” Mabilis akong napatingin sa kanya. Pero mukhang hindi naman siya nilalamig, ah?
“Parang hindi naman,” ani ko at nang tumingin na nga siya sa akin ay namumungay na nga ang eyes niya. “Are you serious, Michael?” I asked him. I stood up and approached him but...
“Checkmate.”