CHAPTER 18

2831 Words
Chapter 18: Extra rice “CHECKMATE,” he said in a sèxy and husky voice. I made a facepalm. Nang salatin ko ang noo niya at mainit nga siya pero ano ’tong pinagsasabi niyang checkmate? “Are you in drugs, Michael?” I asked him. He shook his head at hinapit pa niya ako sa baywang. Ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko. “Michael.” Kinabahan na ako nang maramdaman ko ang panginginig ng katawan niya. Nilalamig nga siya pero kung ano-ano na ang lumalabas mula sa bibig niya. Dinala ko siya sa kama at inalalayan ko siya na makahiga. Hinila ko ang kumot niya at idinantay lamang niya ang kaliwang braso niya sa noo niya. “Baby...” “Hindi ka pala puwedeng maulanan dahil mahina ang katawan mo.” “I am not. Nilalamig lang ako.” “Pero mainit ka. Wala ka bang dalang gamot?” Umiling siya. “Dito ka na. Yakapin mo ako.” Nagdadalawang isip pa ako pero dahil sa nakikita ko na nilalamig na nga siya ay tumabi na ako sa kanya. Pinaunan pa niya ako sa braso niya at humigpit ang yakap niya sa baywang ko. Just like what I said na puro gentleman ang mga Brilliantes clan ay hindi naman siya nag-take advantage. Dahil natulog lang kami ng wala siyang ginagawa sa akin. Sapat na iyon upang pagkatiwalaan siya. Nagising ako na nasa bisig pa rin niya. Nang salatin ko ulit ang noo at leeg niya ay wala naman siyang lagnat. Siguro ganoon lang ang reaction niya kapag nilalamig siya? “Okay ka na?” I asked him. Nauna siyang nagising kaysa sa akin tapos halatang pinapanood pa niya ako habang natutulog. He nodded and kissed my cheek. “Good morning, baby...” malambing na sabi niya at lumipat sa labi ko ang kiss niya. Kapag ganito na ang situation namin ay ako ang higit na walang kontrol sa sarili. Kaya noong pakakawalan na niya ang mga labi ko ay kinabig ko ang batok niya at hinalikan ko rin siya pabalik. Masyado akong naninibago sa feelings ko but gusto ko na may higit pa akong mararamdaman. Halos hindi ko na namalayan pa na nasa ibabaw ko na siya. Parang uminit ang temperatura sa paligid. Bumaba ang halik niya sa leeg ko at mararahan na halik lang sana iyon pero unti-unti na rin niyang inilabas ang dila niya. Kinapos ako nang hininga nang sakupin niya ng isang palad niya ang kaliwang dibdib ko. Nang marinig ang impit na ungol ko ay huminto siya bigla. Nagtagpo ang aming mata at mariin na pumikit. Nakaawang ang mga labi niya at namumula ang cheeks niya. Hinaplos ko ang panga niya. “Are you afraid?” I asked him. “Yes. Baka mawalan na rin ako ng kontrol na hawakan ka,” pag-amin niya na ikinangiti ko. Iniangat ko ang ulo ko at hinalikan ang panga niya. “Umuwi na tayo?” Tumango siya at inalalayan niya akong makaupo. His jaw clinched dahil sa nakita niya na natatanggal ang tali sa bathrobe ko. Lumabas na rin ang cleavage ko. Bago kami umuwi ay kumain na muna kami ng breakfast at saka niya ako hinatid sa hotel. Niyaya ko pa siya na pumasok sa loob pero umiling na siya. Hinalikan pa niya ang noo ko saka siya tuluyang umalis. ONE week, one week ulit ay hindi siya nagparamdam. Nagtaka pa ako dahil akala ko ay magiging updated na kami sa isa’t isa pero hindi. Kahit text message ay wala akong natanggap. When I tried to call him ay hindi naman niya sinasagot. I was so confused. Even my practice ay hindi ako makapag-concentrate. It was Sunday morning, day-off nina Tita Mommy at Devillaine. “Tita, may alam po ba kayo kung saang site ang bagong project ni Michael?” Napahinto siya sa pagbabasa ng magazine. Sinadya ko siyang lapitan para tanungin siya. Nasa living room kami. “Why?” “Just answer me po.” “Nagkakamabutihan na pala kayo ng engineer mo, Novy?” Pagsulpot naman ni Devi. “Yes.” Siya naman ang napahinto. “Wow. May nangyari na ba sa inyo agad?” nanlalaki ang mga matang tanong niya sa akin. “Devillaine,” may pagbabantang saad ni Mommy sa kanya. “Wala, ah. One week ko na naman kasi siyang hindi nakita. Wala siyang paramdam.” “Na-ghost ka?” natatawang tanong ng cousin ko. I nodded. “Baka busy lang siya, darling. Alam mo naman ang mga katulad nila.” “Puwede ko kaya siyang i-visit sa site nila, Tita Mommy?” “Of course. Go.” MONDAY, ito ang araw na nagpasya akong puntahan siya sa site nila. Nagpahatid lamang ako sa personal driver ni Tita Mommy dahil wala naman akong sariling kotse. Hindi dahil wala akong perang pambili. Hindi ko naman kasi magagamit. Nag-disguise pa ako kasi ayokong pagpiyestahan na naman ako ng mga tao. May scarf pa ako sa leeg dahil hindi na ako nagsuot pa ng cap kasi iba na ang gamit ko. May sunglasses pa ako. Dumaan lang ako kanina para bumili ng lunch niya. Inaasahan ko na ang break time nila at this moment, so sinadya ko na lunch time na rin ako pupunta sa site. Sasabay akong kumain. Hindi naman puwede na siya ang palaging nag-e-effort. Gusto ko rin mag-work ang relationship namin. Ewan ko kung ano’ng building ang gagawin nila. Layout pa lang ang mga ito pero marami silang construction worker. Nang may isang lalaki ang dadaan sana ay hinarangan ko. “Hello, kuya. Kilala mo po ba si Engineer Michael?” I asked him. Tiningnan pa niya ako mula ulo hanggang paa. “Siya po ang head engineer namin dito,” sagot niya. “Puwede bang...sabihin mo sa kanya na may babaeng naghihintay sa kanya sa labas?” pagsuyo ko pa. Tumango lang siya at saka niya ako tinalikuran. Maraming hallow blocks sa kinatatayuan ko at nagawa ko pang mag-squat. Akala ko ay hindi na ako babalikan pa ng lalaki pero nakita kong patakbo siyang lumapit sa direction ko. “Ma’am, pasensiya na po. Busy raw po siya at ayaw niyang mag-entertain ng babae,” he stated. I took a deep breath. “Ganoon ba? Babalik na lang ulit ako rito para bigyan siya ng meryenda niya. Here, ibigay mo ito sa kanya. Sa ’yo na rin po ang isa. Pasuyo na lamang po.” Alam kong super busy nga niya kung kaya sa pagbabalik ko ay nanghiram na ako ng kotse kay Mommy. Mayroon naman akong driver’s license, ano. Dumaan ulit ako sa fastfood restaurant para bumili ng coffee and mainit-init na pandesal. Dinamihan ko na. “Hi!” bati ko sa lalaki. Siya rin ang napagtanungan ko at nautusan ko kanina. “Hindi na ba siya busy?” tanong ko. Napahawak siya sa batok niya. “Pasensiya na po ulit. Nang ibigay ko sa kanya ang dala mo kanina ay ibinigay niya lang po iyon sa akin at kumakain na po siya ng meryenda niya ngayon.” “Ano pala ang kinain niya kanina kung tinanggihan niya ang dala ko?” nalilitong tanong ko. “May isang resto po kasi ang nagdadala ng pagkain dito para sa amin pero kami naman po ang nagbabayad no’n. Bumababa po si Engineer Michael dahil nagustuhan niya ang luto ng anak ng isa naming katrabaho rito.” Parang may kung ano naman ang patalim na bumaon sa dibdib ko dahil lang sa narinig ko. Totoo ba ang sinabi niya? “Kailan po ba nagsimula iyon?” wala sa sariling tanong ko. “Isang linggo na po.” Napatango ako. Kung ganoon, kaya naman pala walang paramdam sa akin ang lalaking iyon dahil may bago siyang pinagkaabalahan? “Salamat. Sa ’yo na lang ito pero babalik ako bukas,” sabi ko at nagpasalamat ulit siya. Ayokong mag-overthink. Therefore pilit kong inaalala ang mga ginawa niyang maganda sa akin. Hindi ko lang maiwasan ang mahulog sa malalim na pag-iisip. But nawala rin iyon ng mag-reply na siya. From: Engineer Michael “Sorry. Busy lang ako sa site. Ngayon lang namin kasi natapos ang layout ng building. Kapag hindi na ako masyadong busy ay susunduin ulit kita sa gym ninyo. Labas tayo.” ‘Ok’, lang ang sinagot ko sa kanya at may reply ulit siya. “How are you, baby?” Napangiti ako sa tawag niya sa akin pero may tampo pa rin akong nararamdaman sa kanya. “?” emoji lang ang sinagot ko. Akala niya, ha. Hahabaan ko pa ang reply ko sa kanya? Nang tumawag siya ay agad kong sinagot. “Sorry, busy ako sa practice, eh. Mamaya na tayong mag-usap!” Saka ko ibinaba ang tawag. “Ano’ng oras ang break mo, Novy?” Na-realize ko na mabilis pala akong mag-reply. So ang ginawa ko. Ten minutes muna bago ko siya ni-reply-an. “Night.” Wala na akong na-receive na text niya at kahit ang tumawag ay wala na rin. Bumalik ako kinabukasan sa site nila at ako na ang lumapit sa kinaroroonan niya pero ang eksena lang ito ang makikita ko. Sa isang pintuan, barn or something, doon siya lumabas at nagmamadali pa siya. “Si Engineer Michael daw ang una sa pila! Para makakuha ulit siya ng extra rice!” sigaw ng mga construction worker. “Baka may libre ulit tayo!” Lumapit pa ako sa kanila. Tipid na ngiti lang ang ginawa ng magaling kong fiancé at napataas lang ang kilay ko nang makita kong pumila nga siya sa unahan. Lumipat naman ang tingin ko sa parihabang table at nakita ko na may isang babae roon na mas bata yata kaysa akin ng tatlo or limang taon? Napa-cross arms pa ako dahil halatang nahihiya ang babae tapos halos nakayuko na lamang siya. Dumukot ng pera niya sa wallet niya si Michael at mabilis na ibinigay iyon sa babae. “May extra rice ulit, Fatima?” Wow, pati pangalan ay inosente. Tapos first name basis na. “O-Oo naman po, Engineer.” Sa paglapit ko pa ay nakuha ko na ang atensyon ng mga taong nakapila at kanya-kanyang komento na sila. Inilapag ko ang dala ko sa table at napatingin sa akin ang babaeng nagngangalang Fatima. “Kapag ba huling pila na ay may extra rice pa?” malamig na tanong ko. “Sorry Miss. ’Sakto lang ang paninda ko. Walang extra,” sagot nito sa akin at mukhang hindi pa ako napapansin ng engineer dahil nakaupo na siya at nagsisimula ng kumain. “Miss ganda, may dala ka namang pagkain yata,” untag na saad pa ng iba. Nag-iingay na nga sa paligid niya ay wala pa rin siyang pakialam. Basta sunod-sunod ang pagkain niya. Lumapit ako roon at nagawa ko pang itulak ang mga lalaking nakaharang sa dinaraanan ko. “Ay, maganda sana pero mukhang walang modo ang babaeng iyan.” Kanya-kanya pang komento ang mga ito but as if papansinin ko sila? Pabagsak kong ibinaba ulit ang dala ko at baka iyong sauce nito ay natapon na. Napatingin siya sa dala kong plastic bag. Kunot-noo pa. Kahit noong inilabas ko ang lunch pack ay nanatili lang siyang nakaupo. “Mind if I join you?” malamig kong tanong at nabitawan niya ang hawak niyang kutsara. Nag-angat siya nang tingin sa akin at nakita ko ang gulat doon. “N-Novy?” “May extra rice rin ako here. Sino’ng may gusto?” tanong ko sa mga lalaking nasa likuran. Maraming nagtaas ng kamay at nagsabi na ‘ako’. “Pero isa lang ang mabibigyan ko, eh,” ani ko at malamig na tinitigan ko si Michael. Nakaawang na ang labi niya sa gulat. Bumaba ang tingin ko sa kinakain niya. Adobong manok lang naman iyon pero maraming patatas, tapos may slice pa ng apple. Marami ngang rice. Binuksan ko ang lunch pack ko at nagsimulang kumain. “Baka matunaw ako, ha? O lalamig ang extra rice mo. Sayang naman iyan,” nakangising sabi ko. “Miss, ano’ng ginagawa mo riyan? Bakit nanggugulo ka?” Nang ipihit ko ang ulo ko sa side ng nagsalita ay nakita ko ang isang babae at may katabi pa siyang lalaki. Napatitig ako sa isang bagay na nagpapatunay na isa silang engineer. Hindi ko tinanggal ang sunglasses ko at nagpatuloy ako sa pagkain. Kahit ang pagnguya ko ay may panggigigil pa rin. Frustrated na ako. “Zafrina, mukha naman siyang hindi nanggugulo. Kumakain siya,” narinig kong sabi ng lalaki. “But who is she? Kilala mo ba siya, Engineer Michael?” “She’s my—” “I’m nobody. Bagong salta lang ako rito. Don’t mind me,” sabi ko at kumaway pa ako. “Oh, Michael? Bakit hindi mo na ginagalaw ang pagkain mo? Favorite mo pa naman ang mga luto ni Fatima. Nakikipag-unahan ka pa sa mga construction worker natin, right?” “Shut the fvck up, Ocean,” malamig na sita niya at mula sa sulok ng mga mata ko ay nakita ko ang pagtayo niya at hinawakan ang pulso ko pero mabilis kong tinabig iyon. “Don’t fvcking touch me!” sigaw ko para mapasinghap sila. “Aba...” “Let her be, Zafrina.” “Kumakain ako. Huwag kang epal!” sigaw ko ulit at dumausdos lang siya paupo. “Novy.” Ang boses niya ay parang nagmamakaawa. “Can I ask you something?” I asked them at ang lalaking engineer ang tumugon sa akin. “Kailan natapos ang layout ng building ninyo?” “Kahapon. Isang linggo rin namin ito ginawa kaya naging busy rin kami,” he answered. Sapat na iyon sa akin dahil hindi naman pala siya nagsinungaling pero ang nakita kong eksena kanina ang hindi ko nagustuhan. Naglabas ng panyo si Michael pero katulad ng ginawa ko sa kamay niya kanina ay tinabig ko rin iyon. Inilabas ko ang bottled water at binuksan ang takip saka ako uminom. Inurong ko na ang lunch pack sa table at tumayo na rin ako. Iyon din ang ginawa ni Michael. May baby wipes din akong dala. Pinunasan ko ang dalawang kamay ko saka ko padabog na itinapon ito sa hindi ko pa nauubos na pagkain. Inayos ko ang sunglasses ko at tumaas ang sulok ng mga labi ko. “Isipin mo na lang na hindi ako dumating at hindi tayo nagkita ngayon. Enjoy your lunch and extra rice, Engineer Michael.” Pagkasabi ko ay tumalikod na ako. Taas-noo pa rin akong naglakad sa gitna ng maraming tao. “Novy Marie!” tawag sa akin ni Michael pero hindi ko na siya pinansin pa. Napahilot pa ako sa sentido ko nang makalapit ako sa kotse. “Novy, sandali lang!” Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at kasabay nang paghila niya sa siko ko. Nagpumiglas ako. “I told you huwag mo akong hawakan,” kalmadong sabi ko. Tinanggal ko na ang sunglasses ko at malamig na tinitigan ko siya. Malinaw kong nababasa ang emotion niya. Takot at pagkabahala. “I’m sorry. I-Ikaw pala ang... babaeng pumunta kahapon at nagbigay ng...” Humugot siya nang malalim na hininga. “Don’t say sorry, Michael. Wala kang ginawang kasalanan sa akin. That was a simple effort at mas mahalaga pa rin naman sa akin ang healthy foods mo. Kung saan ka mas mabubusog at masasarapan sa pagkain ay roon ka.” “Novy.” Maingat niyang hinawakan ang braso ko ngunit dumistansya na ako sa kanya. “Sorry sa abala. Hindi na ako babalik dito. Nag-worry lang ako dahil one week kang walang paramdam. I thought masyado kang subsob sa work mo tapos malilipasan ka na ng gutom,” mariin na saad ko at sumakay na ako sa kotse. Isasara ko pa lang sana ang pintuan nang pigilan niya. “Sandali lang, please... Baby...” Kinuha ko ang maliit na paper bag na naglalaman ng mga ticket para makakuha sila ng first seat para sa next competition ko. Ibinigay ko iyon sa kanya at kinuha naman niya ng hindi na siya nagtatanong pa. “Magkita na lamang tayo next month. Sa araw mismo ng competition ko. Pumunta ka kung gusto mo but if you’re busy or ayaw mo dahil tinatamad ka then don’t go. I won’t force you, Michael. Huwag mong isipin na nagalit ako sa ginawa mo. Sabihin na lang natin na nagtatampo lamang ako sa extra rice mo,” ani ko at ngumiti pa ako. “B-Bakit next month pa tayo magkikita? Puwede naman bukas, ’di ba?” “Kaya mo akong tiisin kahit isang taon pa dahil ilang araw lang tayong nagkasama. Nagawa mo na iyon at alam kong magagawa mo rin ulit,” ani ko at sinara ko na ang pinto saka ako nag-drive. Literal na iniwan ko siya roon. Tumunog pa ang ringtone alert ko at binuksan ko lamang iyon ng makabalik ako sa hotel. “Take care, and I’m sorry, baby.” Kapag busy siya sa work niya ay puwede naman niya akong kumustahin through text message or mag-reply naman siya para hindi ako mag-worry sa kanya. But he never do that.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD