Hindi siya makakain ng maayos ngayon dahil mariing nakatitig sa kaniya si Nicholai sa bawat pagsubo niya ng pagkaing binili nito. Kaya naman ibinaba niya sandali ang kutsara at tinidor na hawak niya para salubungin ang titig nitong may malisya. "Hindi ka ba kakain?" tanong niya rito dahil siguradong hindi siya mabubusog dahil sa ginagawa nito ngayon. "Kumain ka na rin kaya?" Simula nang may mangyari sa kanila kagabi ay hindi niya ito maaway-away. Nahihiya kasi siya lalo na kapag naaalala niya kung paano nito kinain ang p********e niya. Kung paano siya nagtaas-baba sa harap ng mukha nito habang malakas na umuungol dahil sa ipinalasap nitong kakaibang sarap na kagabi niya lang naranasan. Hanggang ngayon, hindi siya makapaniwala na nagawa niya iyon. Ang wild niya pala kagabi. Nakakahiy

