"Clarisse, gusto mo ng buko?" tanong sa kaniya ni Kazimir habang nakasakay siya sa duyan na pag-aari nito. Magluluto sana siya kaya lang nahihirapan siyang kumilos kaya pinili na lang niyang magpahinga habang hinihintay na makabalik si Nicholai. "Gusto kasing kumain ng buko ni Genesis ngayon kaya kumuha ako ng mga tao na marunong umakyat ng buko. Ano, tara na?" Gusto niya sanang tumanggi dahil nanghihina pa siya hanggang ngayon kaya lang baka naman magtaka ang mga ito. "Ayos ka lang ba? May masakit ba sa iyo, Clarisse?" Nahihirapan kasi siyang bumaba sa duyan dahil bukod sa nanghihina siya ay sobrang hapdi pa rin ng p********e niya. 'Yong pinabibili niya kasi ng pain reliever ay baka natabunan na yata dahil ang tagal nitong makabalik. "Ayos ka lang ba talaga, Clarisse?" Hindi s

