Episode 51

1901 Words

"Hijo, may mga bisita ka," imporma ni Yaya Gloria mula sa labas ng pinto ng kuwarto niya. Kanina pa ito paulit-ulit na kumakatok pero hindi niya ito pinapansin dahil inaantok pa siya. "Hijo, sisirain daw nila ang pinto ng kuwarto mo kapag hindi ka pa lumabas." Ang tinutukoy siguro nito na mga bisita niya ay ang mga kaibigan niya. Siguro na-miss siya ng mga ito dahil isang buwan na siyang hindi nagpaparamdam sa mga ito at ganoon din kay Clarisse. "Hijo, lumabas ka–Naku po! 'Wag niyong sirain ang pinto ng kuwarto niya!" Mabilis siyang napabangon nang may narinig siyang kalabog mula sa labas habang sumisigaw si Yaya Gloria. "Ano ba'ng nangyayari rito?" bungad niyang tanong nang buksan niya ang pinto ng kuwarto niya. Nakatayo sina Genesis, Francis at Kazimir habang may mga dala itong ba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD