"Wala ka ba talagang maalala?" tanong ni Clarisse sa kaniya. Tatlong araw na siyang nagkukunwari na nakatulala lang habang nakatingin dito na kunwa'y pilit inaalala ang lahat. "Kahit maliit na detalye, wala talaga?" "Are you my girlfriend?" tanong niya rito pagkuwan—Titingnan niya kung ano ang isasagot nito. "We're not, but we–you know, we already make love." Namilog ang mga mata niya kunwari. "Are we? When? Where?" "Kailangan ko pa bang sabihin sa iyo ang lahat?" "If that can help me to remember anything, why not?" Tumango ito. "Ang totoo niyan, mortal tayong magkaaway. Walang espesyal sa ating dalawa dahil araw-araw nakakainit ng ulo iyang ugali mo," panimula nito. Gusto niyang matawa pero hindi puwede dahil nga wala siyang maalala kunwari. "Pero nitong mga nakaraang araw ay nagin

