"Bakit gising ka pa?" tanong ni Clarisse sa kaniya. "Hindi naman aalis iyang mga anak mo diyan kaya matulog ka na rin." Kapag hindi pa siya inaantok ay wala siyang ginawa kung hindi titigan ang mga anak nila na ngayon ay anim na buwan na. Dalawang buwan na rin silang kasal ni Clarisse at nakatira na rin sila sa bago nilang bahay na binili niya. Kapag sabado at linggo ay pumupunta sila sa bahay ng mga magulang niya o 'di kaya'y sa magulang nina Clarisse dahil kapag hindi niya raw dinala roon ang kambal ay kukunin daw ng mga ito ang anak niya at hindi na ibabalik pa sa kanilang mag-asawa. "Ang bilis naman nilang lumaki," anas niya. "Magkamukhang-magkamukha talaga sila, 'no? Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala na may anak na ako at kambal pa." "Ako rin. Hindi ko al

