"Happy wedding anniversary, Baby," bati ni Nicholai sa kaniya habang karga-karga nito ang kambal nila. Kalaunan ay nilapitan siya nito at ginawaran ng halik. "I have a special surprise for you." Ang akala niya ay nakalimutan nito ang anniversary nila kaya imbes na magluto siya ng pagsasaluhan nilang dalawa ay pinili na lang niyang pumasok sa restaurant niya kanina at sinadya niyang umuwi nang medyo madilim na. Simula nang magkaanak sila ni Nicholai ay mas naging hands-on pa ito kaysa sa kaniya. Pumapasok lang kasi ito kapag may kailangan itong pirmahan o kapag nagpapatawag ito ng meeting sa sarili nitong kompanya. Ang mga kasambahay nila ay gawaing bahay lang talaga ang ginagawa dahil ang asawa niya ang nag-aalaga sa mga anak nila. "Ang akala mo siguro nakalimutan ko ang araw kun
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


