Episode 33

2349 Words

"This place is nice," komento ni Nicholai nang makarating sila sa Antipolo. Binili raw 'to ni Kazimir dahil kapag nag-asawa na raw ito at dito na ito titira. Naglalakihan ang mga kahoy kaya presko sa pakiramdam. Ito ang mga lugar na gusto niya talaga. 'Yon bang walang kapitbahay at paggising mo sa umaga ay huni ng ibon at ihip ng hangin ang sasalubong sa iyo hindi busina ng mga sasakyan. Mabuti na lang talaga at isinama siya ni Nicholai kahit pa nga ayaw ng kapatid niya. Siya lang kasi ang babae kaya naiintindihan niya ang kapatid niya pero sa huli ay pinayagan din siya nito sa tulong ni Nicholai. Kaya malaki ang pasasalamat niya rito ngayon. Sinabi kasi nito sa kapatid niya na ito ang bahala sa kaniya. Na kapag may mangyari sa kaniya ay ito ang mananagot sa kapatid niya. "This

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD