Paglabas niya sa banyo ay pormal niyang hinarap ang kapatid niya pati na ang mga kaibigan nito. Ang walang hiyang Nicholai na iyon ay ipinakita pa talaga sa kaniya ang p*********i nito. Nagkasala tuloy ang mga mata niya. "Ahm, kayo na ba ang magbabantay kay Nicholai? That's great! Uuwi na ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kababantay diyan sa kaibigan niyo," pormal niyang wika habang iniiwasan ang mga mapanghusgang tingin ng mga ito. "Bakit nagmamadali kang umuwi?" tanong ng kapatid niya sa kaniya. "Wala naman na kasi akong gagawin dito dahil nandito na kayo para samahan ang kaibigan niyong sinungaling at bastos." "Saang parte siya nagsinungaling?" "Wala! Ah, basta mauuna na ako sa inyo dahil tapos na ako sa kaniya." "Hindi ka ba magpapaalam sa taong mahal mo, Bea

