"Clarisse, gusto mong manood ng pelikula? Tara, nood tayo. Ano ba'ng gusto mo? Horror, action, or love story?" Nandito silang dalawa ni Nicholai sa kuwarto nito. "Ang sabi ni Kuya ay magpahinga ka lang daw." "Hindi naman niya 'to malalaman, eh." "Hindi ako mahilig sa mga movies, Nicholai. Ang mga pinapanood ko kasi ay iyong may mga katuturan lang. 'Yon bang may kinalaman sa pagluluto," sabi niya rito. Nakahiga siya ngayon sa kama nito habang ito naman ay nakaupo at hawak ang laptop nito. "'Di ba nasabi ko na sa iyon dati pa noong minsan na tinanong mo rin ako? Hindi kasi talaga ako fan ng kahit anong movies, eh. Mas gugustuhin ko pa na mag-bake o kaya magbasa ng cookbook kaysa manood ng movies." "Hindi ka pala magastos maging girlfriend," mahina nitong bulong pero narinig naman niya a

