Pag-alis ni Nicholai ay siya namang pagdating ng kaibigan niyang si Jacob. Tama nga ang sinabi ni Edna na ngayon darating ang kaibigan niya at may mga pasalubong ito sa kaniya na imported chocolates dahil kagagaling lang daw nito sa pagbabakasyon mula sa America. "So, ano'ng nakain mo at binisita mo ako ngayon rito, Jacob? Himala yata?" "Na-miss lang kita, girl!" anito sa medyo matinis na boses. "How are you?" Nang ma-realized nito na boses babae ang lumabas sa bibig nito ay bigla itong napatakip sa bibig at umupo ng maayos. "Ang landi mo talaga," wika niya at pinanlakihan ito ng mata. "Siya nga pala, salamat dito sa chocolates na dala mo, ah. Sa uulitin." "Na-recieve mo ba iyong text messages ko sa iyo? In fairness, ang dami mong customer, ha? Kaya siguro hindi mo ako nire-reply-an

