"Clarisse, saan ka na ba? Kanina pa kita hinihintay dito! Ikaw na babae ka, kanina ka pa late!" bulyaw sa kaniya ni Jacob mula sa kabilang linya. Ayaw kasi siyang payagan ng kapatid niya pati na ni Nicholai kaya naman tinakasan niya ang mga ito para sumaglit sa birthday celebration ng kaibigan niya. "Malapit na ako kaya relax ka lang!" balik niyang bulyaw dito dahil masyadong malakas ang tugtog mula sa kabilang linya. "Bilisan mo na dahil malapit na kaming matapos!" Bakas sa boses nito ang pagkainis kaya naman natawa siya. Paano ba naman kasi halos dalawang oras ang naging biyahe niya dahil napakalayo ng venue nito. Hindi na nga sana siya pupunta dahil hindi niya kabisado ang lugar kaya lang ay tawag naman ito nang tawag kaya napilitan siyang pumunta. At dahil alas-dos na siyang d

