Nasa harapan kami ng mesa kumakain ako si sir at ang mama at kapatid niya. Hanggang ngayun nararamdaman ko parin ang pagkailang ewan ko ba talagang tumatak sakin ang mga sinabi ng kapatid niya. "So Ryland ano naman ang balak nyung dalawa? Civil o simbahan?" tanong ng mama ni Ryland, ako ito tahimik parin nararamdaman ko kasi ang tingin ng kapatid niya. Nakak conscious sya ha. "Civil wedding muna ma, saka na ang simbahan maraming proseso ang sa simbahan" yun lang sinagot ni Ryland saka sya sumubo ng pagkain niya. Bakit parang naiinis ako kanina pa niya ako di pinapansin para akong hangin. Di sya tumitingin sakin di ko rin maramdaman yung sensiridad ng pagpapanggap naming dalawa. Mas pipiliin ko na lang manahimik kesa itanong sa kanya kung bakit. Wala rin naman akong karapatang magali

