Masayang natapos ang dinner namin nina Ryland kasama ang Mama at kapatid niya. Na Kevin pala ang pangalan. Hindi din naman masyadong nagtagal ang usapan at hinatid niya rin ako pauwi. Nang makauwi ako kahapon para akong nabunutan ni tinik sa lalamunan. Akala ko mahihirapan kami sa set up namin pero hindi naman pala. Saka ko na iisipin ang mga susunod na araw. Patawarin sana ako ng Mama niya pag nalaman nila ang totoo. - Andito ako sa waiting shed hinihintay si Chris. Sya kasi ang gumamit kotse ko kanina. Si Sir naman di pumasok dahil may lakad daw sila ng mama niya. Busy ako sa kakadutdut ng cellphone ko ng may biglang lalaking tumabi sakin Paglingon ko si drew lang pala. Saglit ko lang syang tiningnan at muli akong nagdutdut sa cellphone ko. "Ikakasal ka daw?" napapitlag ak

