Andito kami sa airport ngayun araw na ito. Ngayun daw kasi darating ang mama nya kasama yung kapatid niya. Pagkatapos namin pumunta ng mall at bumili ng singsing ay kumain lang kami sandali at saka nagtungo dito. Di ko alam na ngayon na pala darating ang Mama niya. Kaya binili niya agad ang singsing dahil syempre parte iyon ng pagpapanggap namin at props ang singsing. Nakakainis lamg dahil sobrang mahal ng singsing. Nakakatakot hawakan. At heto ako kanina pa nagrorosaryo na sana okay lang ang mama nya na mabait sana. Na sana walang problema. Mag iisang oras na kaming nakatayo dito ang naman kasi tapos absent na naman ako ganda ng records ko diba sirang sira na. Pero okay na 'yun. Kasama ko naman si Boss Ryland. Siya na bahala sa akin. Total siya rin naman ang dahilan kung bakit ako

