Halos bunutin ko na lahat ng buhok ko dahil wala akong maisip na rules Ano ba kasi dapat yung mga rules dapat may limitations parin kami. Naisip ko lang kasi gumawa ng patakaran para maiwasan ko ang intimate moment. Yung sweet sweetan ok lang pero yung isuko ang bataan napakalaking NO! Nako nako di pa ako handang isuko ang perlas ng silangan! Kanina pa ako nakatotok sa study table ko pero hanggang ngayun bangag pa rin ako. Maya maya biglang pumasok si Chris "Ate! Samahan mo ko sa mall please may bibilhin ako" sabi niya sabay hug sakin anyari naman sa isang 'to? "Bakit mawawala ka ba pag pumunta ka don?" sagot ko sa kanya "Aish! ate naman sege na. Saka bonding narin natin to. Malapit ka ng ikasal oh! Mawawalan na ako ng ateng panget dito sa bahay." napaisip naman ako sa sinabi oo

