Chapter 06

786 Words
Alas nueve palang ng umaga ng bigla nalang tumunog yung cellphone ko. Kakagising ko lang din linggo naman ngayun kaya day off ako ngayun. "Hello!?" sagot ko sabay hikab antok na antok pa ako "Good morning Ms. Gonzales andito na ako sa tapat ng bahay nyo, mukhang walang tao eh" sabi niya sa kabilang linya Bumalikwas ako ng bangon saka nagmadaling tumayo para dumungaw sa bintana. Andun nga sya nakatayo may mga kasama pa siya. Hala seryuso talaga syang mamanhikan! 'wala man lang ligawan, kasalan agad' Psshh Naligo muna ako at nagbihis saka ako bumaba, tahimik ang buong bahay dahil siguradong nagsimba sina mama. Agad akong lumabas para salubungin si sir. Hindi siya nakangiti 'baka badmode, dahil pinaghintay ko' Aishh . Sino ba kasing nagsabing agahan niya ang pagpunta dito. Pinapasok ko silang lahat sa loob ng bahay dahil may dala silang mga pagkain kawawa naman. Pero imbis na maghintay sa loob ay umalis agad sila. Kasama nya yung mga katulong at butler niya yamanin talaga tung si sir may butler pang nalalaman eh. -- ----------- Nabigla si Mama ng makita niya ako at si sir Ry sa salas kakarating lang nila galing simbahan. Nagtataka din sila kung bakit ang daming pagkain sa lamesa. "Anong kailangan nyo po Sir!?" magalang na tanong ni mama. "I'll get straight to the point maam, im here para mamanhikan, hinihingi ko po ang kamay ng anak ninyo" "What!?"  sabay na sigaw nina chris at mama. Para tuloy akong nabingi sa pagsigaw nila. Di pa ako makahapuhap ng sasabihin dahil maging ako eh nabibilisan sa nangyayari. "Hoy! Driana kaka break mulang tapos ngayon eto ang lalaking to at pakakasalan ka!?" sigaw ni mama. Ako  naman tahimik pa rin.  Para akong 5 years old na napagalitan. Aaminin ko 25 na ako pero nasa poder parin ako ng nanay ko. "Dont worry maam im serious with her hindi ako magpapakahirap na mag effort sa pagpunta dito at magdala ng pagkain para mamanhikan kung di ako seryuso" sagot naman ni sir talaga lang . "I'm inlove with her and I can't afford to lose her" litanya pa ni sir Ryland "Ngayun lang po ako naglakas ng loob na sabihin yun maam dahil naunahan ako nung isa kung empleyado na nanakit sa kanya" dagdag niya pa Ako naman, ito natameme. Sana totoo nalang lahat ng 'to Sana sya nalang yung ginusto ko para di namin kelangan magpanggap. Well wala namang makapagsasabi ng mga mangyayari sa future. At sana totoo nalang yung sinabi ni sir . Para akong tinutusok sa t'wing maalala kong fake lang to. "Ah ganun! So parang kelangan ko pa atang magpasalamat sayo at nag effort ka!? Hoy mr. Kapag yung anak ko umiyak dahil sayo humanda ka sakin at talagang hahabulin kita ng shotgun!" sigaw ni mama O.O Ano raw?! Pumayag ba sya!? "Ma papayag po kayo?!" sabat naman nitong si Chris "Di pa natin siya kilala mama. Saka baka paiyakin niya lang ang ate ko" 'sweet naman ng kapatid ko makurot nga to mamaya' "Matanda na yang ate mo. May sarili na syang desisyon sa buhay. Aba! gusto ko ng magka apo dahil tumatanda na ako" -_____-! Kaya naman pala naghahanap na rin ng apo Napansin ko naman na ngumiti si sir "gwapo talaga ni sir' Teka nga ano ba tong iniisip ko! Bwesit . Binugaw na nga ako ng sarili kong ina kung ano ano pa yung iniisip ko. "Kelan ba ang kasal Hijo?" luh kasal agad? "Two months from now maam. Hinihintay ko pa po si mama."magalang na saad ni sir. Di na rin umimik si Chris kinakamot nya nalang ang ulo nya. Tsk! Kinain namin yung mga pagkain na dala ni sir Ry. Si sir naman tuwang tuwa sa naging desisyon ni mama. Mama na nga ang tawag nya sa mama ko aagawan pa ko ng nanay eh. Di na namin napansin ang oras mukhang nakuha agad ni sir ang loob ni mama at ni Chris magaling kasi sa basketball si sir. Hinamon siya ni Chris kanina ang pustahan?! Ako. At nung natalo si Chris 'sayu na yang ate ko wag mo ng iuwi ha!"  bwisit walang hiyang kapatid tinakwil ba daw ako. Alas sais ng gabi na ng mapagdesisyonan ni sir na umuwi .. ---- "Susunduin kita bukas bibili tayo ng singsing" sabi ni sir "Galing mo sir ha, bilis mong nakuha ang loob ng mama ko" Sabi ko sa kanya Sya naman ngumiti lang. "Syempre gwapo ako eh" natawa naman ako sa sagot niya. May kayabangan din pala ang isang to . "Kita nalang tayo bukas wife"sabi nya saka umalis 'wife' 'wife" Parang umiinit ata! "Uyyyy! Namumula siya!"  biglang sulpot ni chris sa likod ko. "Hindi ah. Namula ka dyan." Sabi ko sa kanya saka ko sinara yung pinto. "Hindi daw! Hindi daw ma!" abat sumigaw pa talaga "Tigilan mo ako Chris ha. Bwesit ka!" sabi ko saka umakyat na sa taas. Pagpasok ko sa kwarto ko agad akong nahiga sa kama. 'wife' Shit !!!! Kinikilig ako ! Waaaaaaahhhhhhhhh -------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD