PABAGSAK na inihiga ni Ei ang kanyang katawan sa kama, pakiramdam niya ay naubos ang lahat ng enerhiya niya sa kakapaliwanag sa anak ni Tan. Napakadaldal na bata ni Emily, may mapansin lang itong kakaiba ay magtatanong na. At ang masaklap pa ay hindi puwede rito ang simpleng eksplinasyon lang. Huminga siya ng malalim at ipinikit ang mga mata at agad ding idinilat nang maalala si Thad. 'Holy s**t!' Agad siyang bumangon at kinuha ang kanyang bag. Binuksan niya at agad na binuksan ang kanyang telepono at hindi nga siya nagkamali, may twenty missed calls at sangkaterbang text ang nareceive niya. Lahat iyon ay galing kina Thad at Melvin. Binuksan niya lahat ng messages ng dalawa, halos iisa lang ang sinasabi ng mga ito. Tinatanong kung nasaan siya at saan siya nagpunta, napakagat siya ng lab

