KINABUKASAN AY NAGING abala si Tan sa pag-asikaso sa bagong property na pagtatayuan niya ng negosyo. Sa unang pagkakataon ay lumabas siya ng kanyang villa para puntahan ang lupain na nabili ni Thad. Balak niyang pagtayuan iyon ng isang resort at papangalanan niya itong Las Palmas. Habang papunta sa site ay naalala na naman niya ang pinag-usapan nila ni Thad kagabi. Humigpit ang hawak niya sa manebela at hindi niya napigilang magmura ng malutong nang muli niyang maalala ang pagkamatay ni Bianca. Kapag napatunayan niyang may kinalaman si Dion sa pagkamatay ng ina ni Emily ay sisiguraduhin niyang mabubulok ito sa bilangguan. Tumunog ang kanyang telepono at agad naman nagliwanag ang kanyang mukha nang makitang may balita agad sa kanya ang inupahan niyang tao para mag-imbestiga kay Dion. Hin

