NANG MAKARATING SILA SA VILLA nina Xielo ay agad siyang dumiresto sa kuwartong binigay sa kanya ni Xielo. Nagpaalam siyang magpapahinga muna siya, hindi biro ang haba ng biyahe niya, isama pa ang ilang araw na magkasama sila ni Tan na talaga namang sinulit niya. Gusto niyang magkaroon ng magandang alaala bago man lang siya umalis at tanging si Tan lang ang makakapagbigay niyon. Nagpaalam naman si Xielo sa kanya, tumawag daw ang Editor nila at pinapapunta ito sa Studio, may urgent pictorial daw itong gagawin para sa isang sikat na Clothing Company. Gusto nga siyang isama ngunit tinanggihan niya ito, mas gusto niya pa ang mag-isa at magkulong sa kanyang kuwarto. Inilapag niya ang kanyang maleta at umupo siya sa malambot niyang kama. Inilabas niya ang kanyang cellphone at binuksan ang kany

