PAGKAALIS NI THAD ay hindi napigilan ni Tan ang sumigaw sa sobrang galit. Nasasaktan siya, sobra. Iyong sakit na naramdaman niya sa mga unang beses na iwan siya ni Lenneth ay walang-wala sa sakit na nararamdaman niya ngayon. Doble-doble ang sakit ngayon dahil alam niya kung gaano kahirap ang ginawang desisyon ni Eillaine para lang makalaya. Mali si Thad, hindi sila parehas nang pinagdaanan ni Eillaine dahil mas matindi ang nangyari sa dalaga. Sino bang magulang ang nasa tamang kaisipan para higpitan ang kanilang anak na sumaya't mamuhay ng payapa sa taong mahal nito? Huminga siya ng malalim at nahulog sa malalim na pag-isip. Saan niya hahanapin si Eillaine? Ilang taon na naman ba ang bubunuin niya bago makita ulit ang babaeng mimahal niya? O kaya niya bang maghintay ulit sa isang taong w

