Chapter 1

1070 Words
Kung kailan naman wala ako dalang sasakyan saka umulan ng malakas hays. Pag minamalas ka nga naman 7:30pm na pero andito pa rin ako sa labas ng pinag shootan namin hindi ko alam paano ko nairaos ang shoot namin habang nag pipigil ng kilig dahil kasama ko lang naman ang long time love of my life ko na si Skyler. Gutom na gutom na rin ako pero hanggang ngayon walang tigil sa pag bagsak ang ulan ang lalaki pa ng patak parang walang katapusan hindi ko alam na ganito pala ang weather ngayon kasi naman kanina sikat na sikat ang araw. Tinext ko rin si janienna but unfortunately hindi n'ya ako masusundo kasi stuck daw s'ya sa traffic dahil sa ulan. Kung alam ko lang sana sumabay na ako sa make up artist ko kanina pauwi since iisa naman kami ng way hayst. Bakit ko kasi tinanggihan 'yon? Nakakainis kailangan ko tuloy mag patila pa dito pag sumabay naman ako sa ulan for sure sakit aabutin ko may exam pa ako bukas. Yes nag aaral pa ako. I'm 4th Year College sa Johnson's University taking Business Administration Major in Human Resource Management pero gusto ng parents ko mag Business Management ako since may business naman kami and Modeling is one of my passion talaga since bata pa lang ako nag mo-model na ako, I take this modeling as my part time job kahit naman mayaman kami ayoko pa rin umasa sa pera ng nanay at tatay ko. I'm already 20 years old kaya kailangan ko na maging independent sa sarili ko kasi soon darating ang araw kailangan ko na maging mag isa. At hanggang ngayon andito pa rin ako sa labas ng studio ni Skyler, yes si skyler may ari nitong studio na 'to hindi ko alam sobrang independent pala n'ya, hindi ko rin alam kung nakaalis na ba s'ya kasi hindi ko na s'ya napansin sa studio kanina nung uwian na. Pinapapak na ako ng mga lamok dito and lowbat na rin ako kung kailan naman kailangan ko aargh! Hindi ko alam paano ako uuwi nito sa condo ko kailangan ko na makauwi kasi for sure wala na ako magagawa pa para sa mga requirements ko sa school bukod pa yung exam ko bukas. Natigil ang pag mumuni ko nang may sasakyan puti na tumigil sa tapat kung saan ako nakatayo kilala ko ang kotseng 'to kay skyler na sasakyan ito. Bakit ganito bumilis na naman ang t***k ng puso ko nasa iisang condo building lang kami hindi ko rin inaasahan 'yon. Ang alam ko doon s'ya nakatira malapit sa school namin pero mali pala ako. Bakit andito pa s'ya? Eh wala na naman tao sa Studio nung umalis kami saan s'ya nagpunta? "Ms. Castro! Wala ka pa rin ba sundo? Halika na sumabay ka na sa'kin pauwi na rin ako and look basang basa ka na rin." Binaba n'ya ang bintana ng sasakyan n'ya at walang atubiling niyaya ako sumabay sa kan'ya? Totoo ba 'to? Hindi ba ako nanaginip? Kung nanaginip man ako sana wag na ako magising. "Ms. Castro! Get in now lumalakas lalo ang ulan baka magkasakit ka pa."  ulit nya pa nakakahiya kay skyler napapag intay ko sya. "U-uh sige! Sorry Mr. De Villa ah na lowbat rin ako eh kaya wala ako macontact na ibang tao para sumundo sa akin pasensya na." nakakahiya talaga pero ok na rin ito atleast kasama ko s'ya. Ang landi mo Jianna nakakainis. "No its ok! Same condo building rin naman tayo kaya ok na 'yon and buti nga nakita pa kita kundi baka napaano ka d'yan sa labas." Concern ba s'ya sa'kin? Jusmiyo marimar skyler wag ka na naman ganyan lalo ako nahuhulog sayo eh. Wag ka naman masyado pafall kahit fall na fall na ako sayo simula pa lang noong una. "And btw wear this jacket para hindi ka lamigin hihinaan ko na rin ang aircon para hindi ka magkasakit." Letchugas naman oh! Ang bango-bango ng pabango n'ya pati sasakyan n'ya ang bango. Naramdaman ko na medyo nawala ang lamig ng aircon dito sa loob ng sasakyan n'ya kaya hindi ko mapigilan hindi s'ya titigan ang swerte naman ng mamahalin nito kung sakali kasi full package na. "Sa-salamat! Mr. De Villa, sorry talaga sa abala ah." Binalot ako ng kilig at hiya sa nangyayari ngayon nagpapansinan naman kami pag nasa work pero hindi ko alam ganito pala s'ya kabait sana makaclose ko pa s'ya.  Oo na malandi na ako pero wala eh mahal ko 'to katabi ko sana mapansin n'ya rin ako para alam n'ya na nag e-exist ako sa buhay n'ya. "No worries Ms. Castro, you are my client so it's my responsibility to make sure you're ok." Noon nag hulog ng kabaitan, kasexyhan, katalinuhan, kasipagan at iba gising na gising siguro si Skyler kasi sinalo nyang lahat eh. "Jianna na lang, Mr. De Villa ewan ko ba pero ang awkward pag ang formal ng tawag mo sa'kin." naka ngiti na sagot ko sa kan'ya ang formal kasi nya masyado. "To be fair,  Just call me Skyler kahit nasa work pa tayo tama ka it's too formal kung parehas natin tinatawag ang isa't isa by our surname." sagot n'ya naman shet! Bakit ang hot nya!! Nagwawala ang puso at isip ko sa nangyayari. Hindi ko na malayan andito na pala kami sa parking lot ng condo namin ayaw ko pa bumaba pwede naman sigurong dito na lang ako sa kotse n'ya diba? Ano ba ito iniisip ko?! Jianna kalma wag ka napag hahalataan ka ok! "Jianna, andito na tayo uh bukas mo na lang ibalik sa'kin ang jacket kasi bakat yung ano mo sorry it was not my intension to look at it but it's too obvious." Huh? Anong tinutukoy n'ya? And shockssss!! Saka ko lang narealize na kawhite blouse nga pala ako and bakat na bakat yung bra ko! Nakakahiyaaaa!! Wala na ako  ibang ginawa kundi ang tumakbo papuntang elavator! Nakakahiya kay skyler huhuhuhu super epic naman nito first meet namin daming kapalpakan bakit kasi hindi agad ako nakapag palit kanina bago umuwi nakakainis talaga.  Feeling ko ang pula-pula ko na sa hiya kay skyler. Pagkatunog ng elevator hudyat na nasa floor na ako ng unit ko dere-deretsyo kong binuksan ang pinto at tatakbo na ako sa kwarto ko hindi ko man lang narinig ang sinabi ni Janienna sa taranta ko for sure kukulitin n'ya ako bukas. Nagpalit muna ako ng pantulog atsaka inayos ang sarili ko para matulog pero sa nangyare kanina parang hindi na ako makakatulog sa hiya na nararamdaman ko. Paano ko s'ya haharapin bukas? Sana wag n'ya iopen yung nangyari kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD